Puro okay nalang ako kase nakakapagod nadin mag beg sa mga taong ayaw naman talaga mag stay.
Yung nagpapaka grateful nalang kase nga wala kang choice hahahahaha yung maiisip mo na sana hindi nalang ulit.
Sana hindi nalang ulit bumalik. Para sana walang nasaktan at nakasakit. Kase nagsayang lang din tayo ng oras sa isat isa.
Sa hinaba haba ng tulang nagawa ko noon para sayo, matatapos parin pala talaga siya sa salitang "salamat sa pansamantalang saya."
Akala ko talaga noon kapag sinabi ng isang taong mahal ka niya, okay na lahat e. Hindi pala. Kailangan panindigan yung mga risks
Na siyang hindi mo nagawa. Ay mali, hindi natin nagawa. Marupok kase tayo. Kung baga, may kulang na dapat punan.
Pero pinabayaan natin pareho 'yon. Hahahaha hindi ako naniniwala sa mga nagsasabi na hindi pa daw tama yung oras hahahaha kase
kung tayo talaga, edi sana hindi nasayang yung ilang chances na binigay para satin diba? Hahaha
Puro hahahaa nalang ako. Dahil sa sobrang dami ng gusto kong sabihin hindi ko na ma interpret lahat sa words. Hahahaha
Basta ang alam ko, nasaktan ako at nasasaktan ako. Hahahaha balang araw mababasa ko yung thread nato.
Tapos tatawanan ko yung sarili ko. Hahahaha dahil ako mismo gusto kong tawanan yung mga katangahan ko. Hahahaha sayo. Hahahahaha
Hindi ko masasabing hindi na ulit ako masasaktan ng ganito, pero sa susunod sana hindi na dahil sayo. Nakadami kana. Dun kana sa iba.

Isa... dalawa... tatlo...
Ayan may countdown. Hahahahahahahahaha finally
Pag bilang ko ng tatlo bibitawan na kita.
Oops. HAHAHAHAH. Salamat sa lahat! Masaya ako na naging akin ka ng pansamantala.