#DearMAPA
#DearMAPAwithATIN

Dear, Ma-Pa..

a thread; 🩋
honestly, growing up wasn't easy for me. ang dami kong naririnig na ang swerte ko dahil may mga kuya at ate ako, na ang swerte ko dahil hindi ko naranasan yung hirap na pinagdaanan ng iba, na ang swerte ko dahil nandito pa mga magulang ko.
iba ang swerte na nakikita ng iba kesa sa nakikita ko at nararanasan ko, growing up distantly sa parents ko at sa mga kapatid ko really hurts me. hindi ko alam kung pano makipag-usap, o mag-open up.
knowing na ako ang bunso, ako ang pinaka-anim. sa tuwing pumupunta mga kuya ko dito kasama pamangkin's ko, kukulong agad ako sa kwarto bc ayoko ng interaction.
yet, nagbago lahat ng yun dahil sa isang tao. ma, ngayon katabi lang kita. ma, naalala mo ba na two years na nakalipas simula natapos yung operasyon mo? kinder cancer pa nga tawag ng mga doktor mo dun para palakasin loob mo.
ma, kung alam mo lang. nung malapit-lapit na operasyon mo, rinig na rinig kita kausap si papa. " Paano kayo kung wala na ko? " ito yung tanong mo na lagi nagrereplay sa utak ko.
gabi-gabi ako umiiyak na sana hindi yun nangyari sayo, lagi-lagi ko rin tinatanong sa sarili ko kung paano na ako? paano kami? paano si papa? paano kung nawala ka samin?
ma, im sorry dahil nung panahon na yun wala pa akong lakas ng loob na i-comfort ka o kinausap man lang pero sa loob ko gusto ko sabihin sa'yo na ma nandito ako or ma kaya mo yan alam ko na malakas ka pero wala akong imik na nagawa.
kaya nung time ng operasyon mo? ako lang naiwan sa bahay, hindi mo alam at hindi rin alam ng mga kapatid ko na nagkulong ako sa kwarto para ipagdasal ka habang umiiyak. ma kung alam mo lang, hindi rin ako nagparamdam sa gc namin magkakapatid kasi baka hindi ko kayanin.
hindi ko kaya at hindi ako handa na mawala ka. ma hanggang ngayon, naalala ko pa na pinipilit mo yung possibilities na pwede mangyari, na pwede kang mamatay. sa totoo lang, ang dami kong gusto na sabihin sayo.
na sana kumapit ka para samin, and thank God you did. hindi ka lang naging mama naming anim pero naging superwoman ka para sakin, araw-araw nagtratrabaho ka at bumabiyahe pa-manila. lagi ka umuuwi na nahihilo minsan hindi ka kumakain dahil gusto mo na matulog at magpahinga.
ngayon ko masasabi na ang dami kong natutunan sa'yo.

" Hanggat nandito pa ko, gagawin ko. " ma, kung alam mo lang mas naging proud ako dahil may nanay akong katulad mo. dahil sayo ang dami kong realizations sa mundo.
dahil sayo, lumabas ako sa comfort zone ko.
ma, ngayon ko lang na-analyze na nung bata pa ko gusto mo na palawakin isip ko and face reality. lagi-lagi mo sinasabi sakin nun na ako nalang ang tanging niyong pag-asa.
pero ma, ito na ako oh. konting kembot nalang gragraduate na ako ng kolehiyo. kapit lang kayo please? kumapit pa kayo hanggat kaya niyo.
hanggat nandito pa kayo, ako naman. hanggat nandito pa kayo, ako naman magbibigay ng lahat para sainyo. bagay na gusto niyong bilhin, kainin o gamitin.
Ma-Pa, kapit lang ha? tutuparin ko pangarap niyo at pangarap ko para sa sarili ko.
to my superman:

i know and we all know na hindi ka yung tipong tao na showy. but, gusto ko lang sabihin sa'yo na i'm proud of you pa thank you for everything. i will always and always be your baby girl. ♄
to my superwoman:

i know at times may katigasan ulo ko at minsan tumataas boses ko habang kinakausap kita pero kanino pa ba ko magmamana? đŸ€Ș jk. ma, thank you ang dami kong natutunan sayo at ang dami rin nagbago sakin (in a good way) bc of you. thank you for fighting.
+ thank you for not giving up. and ma? i will always and forever be your babu/baby. ♄
alam ko naman na hindi niyo mababasa to pero, salamat sainyo dahil pinalaki niyo kaming anim ng maayos at may pangarap sa buhay. salamat dahil hindi niyo kami pinabayaan.
ngayon ko masasabi na, i'm really lucky to have parents tulad ninyo. kaya uulitin ko lang ah? hanggat nandito pa kayo, kaming anim naman. hanggat nandito pa kayo, gagawin namin lahat para sainyo. i love you my superman and superwoman. ♄
i love you, Ma-Pa. đŸ˜Šâ™„ïž
— end of thread.

#DearMAPA
#DearMAPAwithATIN

@SB19Official
You can follow @onlyjahdedios.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: