📝 #DearMAPA

Ma Pa, Una Gusto kong magpasalamat sainyong dalawa dahil pinalaki niyo ako ng tama. Kayo pa rin ang pipiliin kong magulang sa next life ko. Hindi man perpekto ang pamilya natin pero Thankful pa rin ako. Salamat po sa inyo at kay Lord dahil++
++ kwento niyo nga sakin dati na muntik na akong mamatay nung bata. Salamat po kase hindi niyo ako pinabayaan nung mga oras na yon.

To papa: Pa, 6 years na nakakalipas.. Sana masaya ka na dyan kasama nila lolo at lola. Sabi mo pa naman na isasayaw mo pa ako pag nag 18th bday ako
++ 1 year na lng pa 18 na ako haha. Pangako ko naman sainyo na pag nagtapos ako ng pag aaral aalagaan ko kayo. Kaya po mag dodoctor ako. Pero paano ko kayo aalagaan kung wala na kayo? :< pero tutuparin ko pa rin po yon...
Pero si mama na lng maaalagaan ko...
I love you Pa! ++
++hindi man namin alam kung sino pumatay sayo... Pero bahala na si Lord don.. Alam ko naman na masaya ka na rin dyan. Dito lng kami, lumalaban. Hindi ko man nasabi sayo noon kase biglaan rin ang nangyare pero mahal na mahal kita Papa 💞
To mama: Ma, Sobrang tapang mong tao. Mahirap magpalaki ng 3 anak na ikaw lng ang mag isa.. pero nagagawa mo.. Grabe pinag daanan niyo ni papa.. sabi niyo nga ung nangyare sainyo ay parang nasa movie kayo.. Tragedy... Konti na lang Ma... Malapit na makapagtapos si kuya++
++ Matutulungan ka na po... konti na lng din.. pwede na kayo umalis sa trabaho niyo at magpahinga.. Kami na ang bahala pagkatapos.. ililibot ka namin kung saan niyo gustong pumunta.. iispoil talaga kita ma sa gusto mo pagkatapos ng pag aaral, kase deserve niyo yon..++
++ Maraming salamat sa lahat ma. Lahat ng advices at pag didisiplina samin idadala ko hanggang sa pagtanda. Lahat ng sinasabi nila saiyo wag niyo na pong pansinin.. kase ako mismo nakikita ko kabaitan niyo sa mga tao.. lalo na sa mga tito at tita ko, kahit na sinasabi ko na++
++ wag na pero kayo tulong pa rin ng tulong... I LOVE YOU MA! Sobrang laki ng pasasalamat ko sainyo.. Kaya natin to. 💞

(Tangna naiiyak na ako 😭)
Para sa tumatayong ama ko ngayon... Tito.. Maraming salamat rin sa sacrifices mo samin...kahit hindi mo kami anak, nandito ka palagi para saamin.. kung iniisip mong hindi kita tanggap.. tanggap na kita noon pa. Atichona lang ako dati sayo kase yung panahon na yon di ko pa tanggap
Pero ngayon tanggap ko na talaga :) I Love you Tito!!!! 💞

END OF THREAD. TAENA BAKA HUMAGULGOL NA AKO DITO HAHAHAA dami ko pang gustong sabihin HAHA pero yah

AllOutPPop SB19What
@SB19Official#SB19
#SB19onAOS
#AOSMommyDay
You can follow @kentopkayjah.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: