[ #SB19_JUSTIN]

#DearMAPA, anim na taon na ang nakalipas ng madiagnose ka sa sakit na ‘Scleroderma’. Gabi gabi kong naririnig ang hikbi ng iyong mga iyak. Hindi ka makatulog sa sakit na nararamdaman mo.
Masakit para sa akin na makita kang nanghihina at nalulungkot dahil sa mga pinagdadaanan mo. Pero pinakita mo sa akin na kaya mo. Pilit kang tatayo sa madaling araw para maghanda ng aming kakainin bago pumasok sa trabaho at skwela.
Kahit hirap at sakit ang nararamdaman, pinipilit mo para sa ika-aayos nang buong tahanan na aming uuwian. masakit man ang iyong mga kamay, mahirap man ang iyong pagkain at mailap man ang iyong pagtulog, araw araw ka paring bumabangon para sa amin.
Naalala ko ang tanong ko sa’yo noon, ano ang pangarap mo noong bata ka pa. Ang sabi mo ay “Ito, magkaroon ng masayang pamilya, maayos na tahanan, at magandang kusina.”
Ngayon, naiintindihan ko na; alam ko na kung gaano mo kamahal ang ginagawa mo na kailanma’y hindi ka huminto, dahil kami ang pangarap mo.
Dahil dito ay higit akong ginanahan lumaban at tuparin ang pangarap ko at pangarap mo. nagsilbi kang inspirasyon sa aming magkakapatid.

Maraming salamat sa patuloy na pag-laban, Ma.
You can follow @SB19Official.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: