kaming 11 na miyembro ng @lfszambales ay dinala sa Castillejos Police Station dahil sa social distancing violation

nung nakita ng kapulisan ang placards namin for Mayo Uno Mob, sabi nila: "ito yun" "pasok ito sa ELCAC"

may nagsumbong sa kanila ukol sa aming sasakyan & sa rally.
hinarang kami sa checkpoint mula 7:30AM—9:40AM dahil sa social distancing violation.

pero pinalampas ng mga pulis ang daan-daang sasakyan na walang social distancing at may passengers na minor.

'di lang ito dahil sa violation. gusto nila kaming ma-profile dahil activists kami.
mula umpisa ay pinipilit nila kaming ilabas ang aming mga ID para mapatunayang taga Zambales kami.

pero dahil may intel na isinumbong ang aming sasakyan papunta sa rally, alam naming may iba silang pakay sa aming mga personal na impormasyon.
ilang beses nila kaming pinilit na pumunta na sa police station, kahit ilang beses naming sinabing hinihintay namin ang abogado namin. kami ay tinakot pa na sampahan pa ng ibang kaso kahit na basic right naman namin ang ma-represent ng lawyer bago gumawa ng kahit ano.
ilang beses nila kami sinabihan na wag kaming manguha ng videos at pictures, kahit mismong pulis ang nanguha ng pictures sa amin, sa placards at plaka at inupload ito sa Facebook page nila NANG WALANG CONSENT.

ITO AY MALINAW NA PAGLABAG SA AMING RIGHT TO PRIVACY. #StopTheAttacks
placards namin ay #SolusyongMedikalHindiMilitar, #StopTheAttacks & mga panawagan para sa ayuda & ligtas na balik-trabaho ng mga manggagawa pero minasama ng kapulisan ang aming lehitimong panawagan

PATUNAY NA GINAGAMIT ANG MILITARISTIKONG LOCKDOWN PARA TARGETIN ANG MGA AKTIBISTA!
araw ng mga manggagawa pero KITANG KITA NATIN KUNG SINO TALAGA ANG PINAGLILINGKURAN NG KAPULISAN AT MILITAR

imbes na tugunan nang maayos ang pandemya, inuuna nila ang pananakot at pang-aatake sa mga taong itinataas ang mga panawagan ng mga sektor na lubhang apektado ng pandemya!
kung social distancing violation ang usapan, kami dapat ay magrerender lang ng 3 hours of community service batay sa Ordinance No. 20-007

pero ang dami naming pinagdaanan na intimidation, panghaharass, at emotional & mental stress dahil sa kagustuhan nilang ma-profile kami.
sa sobrang lala ng stress at exhaustion namin, nagka-panic attack ang isa naming kasama. nang siya ay ipinasok sa ambulance dahil di siya makahinga at makatayo.

sabi ng pulis bakit di raw kami nagsabi na may ganitong kasama. sila nga dahilan kung bakit inatake na kasama namin.
pinagbawalan pa kami ng pulis na kunan ng photos at videos ang kasama namin. tinakot kami na kukumpiskahin phones namin since arrested naman daw kami.

"wag niyo naman abusuhin pagkaluwag namin sa inyo" -pulis

"abuso" big word coming from the berdugos themselves 🥴B
nagbiruan pa ang mga pulis na "ay ikukulong na siya" noong ipinasok na ang kasama naming nagpapanic attack sa ambulance.

ang isang pulis ay sinabihan pa ang kasama naming babae, "kapag magandang babae yung galit sa amin, nawawala galit namin"

pakasahol!!! ang babastos!!!
siyam na oras na kami rito sa police station at mula umaga ay hinihingi nila ang aming personal na impormasyon kahit ILANG BESES naming sinabi na karapatan naming huwag magbigay ng impormasyon kung wala pa kaming abogado.

"ibibigay niyo ba o hindi?" sabi nila sa amin.
malapit nang mag-6PM (9:40AM kami andito) pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang ipinapakita na paperworks sa amin ukol sa procedure, na hindi pa rin nila ipinapaliwanag nang malinaw sa amin.
walang mali sa paglaban. may mali—kaya tayo lumalaban.

salamat sa aming mga kakolek at sa iba't ibang organisasyon at law offices sa buong bansa 😭

kolektibo nating haharapin ito. yakap, mga kasama! makakalaya't susulong tayo!
#FreeZambales11
#StopTheAttacks
#MakibakaSaMayoUno
noong pa-10AM kanina noong inaresto kami,

ganito lang ang sinabi:
"inaaresto namin kayo for social distancing violation"

WALANG WARRANT OF ARREST OR ANY PAPER NA IPINAKITA SA AMIN.

HANGGANG NGAYON.
7PM na.
#FreeZambales11
#StopTheAttacks
#TulongHindiKulong
#MakibakaSaMayoUno
You can follow @deneeseroseee.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: