(Incomplete) list ng mga panghihimasok ng pwersa ng Tsina sa WPS para patunayan na hindi sila "good friend" ng bansa at ng mga Pilipino: A THREAD

#DuterteTraydor
#AtinAngPinas https://twitter.com/abscbnnews/status/1387428897310994433
Short background: sakop ng West Philippine Sea ang karagatan na Luzon Sea at mga katubigang nasa paligid ng Kalayaan Islands Group (KIG) at Bajo De Masinloc (Scarborough/Panatag Shoal).

Noong 2016, idineklara ang pagkapanalo ng Pilipinas laban sa Tsina re: teritoryo ng WPS.
Note ko lang din na mayroong bagong abiso ang Chinese coast guard na "barilin" ang mga foreign vessels "kung kinakailangan" at currently ay wala ditong anumang aksyon man lang si Duterte.
KIG
- January '21, hinarang ng mga dambuhalang barko ng Tsina ang mga ordinaryong mangingisda na pumapalaot sa paligid ng Pag-asa Island.
- Hinarass at hinabol ng Chinese Navy ang news team mula sa ABS-CBN nang pumalaot ito a few miles from Ayungin Shoal.
Panatag Shoal
- Noong 2012, nag-"take over" ang Tsina sa pagkontrol ng Panatag Shoal at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtatayo dito ng artificial island.
- Military standoff ang naging porma noon ng take over kung saan nanghimasok ang mga barkong pandigma ng Tsina.
Julian Felipe Reef
- Umabot sa 200 Chinese vessels ang natagpuan sa paikot ng Julian Felipe Reef na sinabing nagsimula pang dumagsa noon pang November last year.

Zamora Reef
- Patuloy ang construction ng Tsina sa Zamora/Subi Reef ayon sa satellite images.
Panganiban Reef
- Simula pa 2020, nagsimula ang China ng construction ng land masses sa Panganiban Reef. 3 ding Chinese wartime vessels na tinaguriang "new generation stealth missile fast attack craft" ang nakita sa lugar a few weeks ago.
Mabini Reef
- Bumuo ang Tsina ng artificial islands sa lugar.

Kagitingan Reef
- December 2020 noong lumapag sa lugar ang Y-20 na syang pinakamalaking warplane ng China. Mayroon ng military base (complete w/ airstrip at radar) ang China ngayon sa lugar.
^^ Very incomplete at based lang sa mga recent reports ang mga ito. Sa katunayan ay marami pang mga kaso ng panghihimasok ang Tsina sa WPS — bumubuo ng military bases at artificial islands at tinatakot ang mga ordinaryong mangingisda sa lugar.
Lahat ng ito ay nagpapatunay na hindi "good friend" ng bansa ang Tsina. Si Duterte lamang at ang mga alipores nito ang nakikinabang sa mga pagpapakatuta nito sa Tsina at sa iba pang dayuhang imperyalista.

#OustDuterteNow

[End of thread]
You can follow @po1eng.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: