Mga ilang dahilan bakit 'di ako natutulog ng maaga, alam kong 'di ako nag-iisa,
A thread:
A thread:
Since 'di natuloy ang live-stream ng Casting of Votes ng UCSE which supposedly happened kaninang 10pm, mag tweet nalang tayo.
Yung pagpupuyat, siguro parte na ng buhay ko. Pero sige, isa isahin natin dahilan. Skl ko lang. Hehe!
Una siguro, dahil marami akong iniisip. Mahilig kasi ako mag muni muni. Bukod kasi sa acads, may mga iba din akong pinagkakaabalahan. Isa na don yung election, na katatapos lang. At mukhang papahirapan talaga ako matulog neto - kakaisip. Nakakakaba naman kasi talaga.
Pangalawa, sobra siguro sa tulog? Tanghali na kasi nagigising lalo na kapag alam kong wala naman akong gagawin. Pero, kapag maaga ako gumigising, nagsisiesta ako sa hapon. Halos isang oras din yun.
Iniiwasan ko yung tulog ko sa hapon ng hindi lalagpas sa 30minutes pero sumusobra. Kaya siguro wala na akong maitulog pag gantong oras.
Pangatlo, kapag maingay yung paligid. Sakin, okay lang siguro na may makakatabi akong magulong matulog, wag lang maingay. Haha!
Nakakatulog naman ako kahit maingay, kung ako siguro eh sobrang pagod. Yung tipong ang dami mong ginawa buong araw.
Pangapat. Ano ba. Siguro kakakape. Ang gusto ko pa naman sa kape, yung dark talaga. Yung tipong gising buo mong pagkatao. Kanina siguro, naka dalawang kape din ako.
Ikalima. Dahil nagugutom? Yeah, ito na ang sign. Tara, sabay tayo magluto ng pancit canton with nilagang egg. Pero kung nagdadiet ka, sige iinom mo nalang ng tubig yan.
Ika-anim, kakaisip sayo! Siguro, ito yung pinaka malupit. Hahahahahahaha! Sana all.
Yun lang naman siguro, para sakin. Sige, luto muna ko makakain. Bye. Hahaha!
Mga ilang dahilan bakit 'di ako natutulog ng maaga, alam kong 'di ako nag-iisa,
End of thread.
End of thread.