#tskkg #tkkg

Dalawang beses lang naisayaw ni Kei si Tobio. Una, noong high school sila. Prom. Huling tugtog ng gabi. Huling sayaw ang isa’t-isa.
Magaan ang bawat step nila, nakangiti sa isa’t-isa habang umiindak sa saliw ng musika. Makikita mo ang ningning sa mga mata ni Tobio, may saya, may paghanga, may pagmamahal.
“Kei.”

Mabilis na nadagdagan ng buhay ang masasayang ngiti at nagniningning na mata ni Kei nang marinig ang pangalan niya. Humigpit ang kapit nila ni Tobio sa isa’t isa.
Humigpit ang kapit ni Kei sa tuwa. Boses ni Tetsuro ang tumawag sa pangalan nya. Samantalang humigpit naman ang kapit ni Tobio sa lungkot. Ayaw pa nyang bitawan si Kei.

Wag muna. Kaunting oras pa.
Ito ang ang una nilang sayaw. Prom, huling kanta ng gabi. Huling sayaw ang isa’t-isa.

Dapat. Sana.
Pero unti-unting lumuwag ang mahigpit na kapit ni Kei kay Tobio, hanggang sa tuluyan na syang bumitaw.

Ngumiti si Tobio, nanood sa masayang pagsayaw ni Kei at Tetsuro. May ningning sa mata, may pagmamahal, may lungkot.

May pag-suko.
Sampung taon ang lumipas nang mangyari ang ikalawang sayaw. Reunion. Unang tugtog ng gabi. Unang sayaw ang isa’t-isa.
Si Kei ang lumapit sa lamesa nila Tobio, nagtanong bago inihaya ang kamay, nag-iintay. Ngumiti ng sandali si Tobio bago tanggapin ang paanyaya.
Nang nasa gitna na sila, tahimik silang nagsayaw, mabagal na sumasabay sa musika. Nandoon pa rin ang ningning sa mga mata ni Tobio, at nandoon na rin ang ningning ng kay Kei.

May saya, may paghanga, may pagmamahal.

May lungkot, may pag-suko, may pagtatapos.
Naramdaman nila muli ang paghigpit ng kapit sa isa’t-isa. Ayaw magbitaw. Humihiling na sana may panahon pa, sana may pagkakataon pa.

Ito ang ikalawa’t huling sayaw ni Kei at Tobio. Reunion, unang tugtog ng gabi. Unang sayaw ang isa’t-isa.
Si Tobio ang unang tumigil magsayaw, binigyan si Kei ng isang malungkot na ngiti. Nag-ningning ang mga mata sa luha, may pag-suko, may pagtatapos.

Wag muna. Kaunting oras pa.
Unti-unting lumuwag ang kapit ni Tobio ni kay Kei hanggang sa tuluyan na syang bumitaw. Mabilis na natamaan ng ilaw ang palasingsingan ni Tobio.
Sabay silang ngumiti ng malungkot.

Dalawang beses lang naisayaw ni Kei si Tobio. Una, noong si Kei ang bumitaw. At pangalawa, noong si Tobio ang sumuko.
- END THREAD -
AYOKO MUNA ISHARE YUNG FAILED RELATIONSHIP KO NA TKKG FIC KAYA ITO MUNA. TINRY KO LANG MAGTAGALOG EHE. KASALANAN PO NG TKKG GDM BAT AKO NAGSULAT NG ANGST PAKISISI PO SILA.
You can follow @_twtlily.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: