Hindi ko alam kung valid to or what. anyways just want to share since anonymous naman tayo lahat dito hehe Hindi naman ako pagod physically pero yung isip ko hindi niya na kaya. may naging problema ako from the past na talagang napunta ako sa point na hindi na kinakaya
ng physical lalo na ng emotional. so i ended up locking up to my room ayoko ng may kausap gusto ko laging akong tulog you can literally see me smiling. pero pag ako nalang mag isa nilalamon na ako ng thoughts ko ng sarili kong fear.
eventually nawala iyon thru recreational activity nasa church kase kami non so madaming kumakausap sakin nangangamusta nalilibang ako na pefreshenup yung mind ko sa mga bagay na naiisip ko dati. umuwi kami ng manila. madaming naging problema.
lalo na sa sarili ko. akala ko okay lang akong tao. akala ko ang positive kong tao. akala ko maasahan ako ng mga tao sa paligid ko akala ko yung mga flaws ko mabababaw lang like i used to think of myself. yun pala
ang insensitive ko pala masiyado, mainitin pala ulo ko ( which unintentionally sometimes pero may mood ako na bigla akong nawawala sa mood which i think na eexperience din ng iba), ang isip bata ko pala, hindi pala ako resourceful.
sa school kase namin. alagain din ako sa mga kaibigan ko. sa bahay lang namin nararamdaman ko na ate ako sa mga kapatid ko. pero parang pati yon di ko magawa ng tama. basta lahat ng uri ng role ko sa family para lang akong ewan. kase kasalanan ko din naman.
matanda na ako i should’ve known what to do. akala ko nga mature na ako e di pa pala. basta ang daming realization habang tumatanda.
siguro minsan sa sobrang gusto kong makatanggap ng compliment sa mga tao. kase parang unmotivated na ako e lahat ng gagawin ko pakiramdam ko hindi magiging okay. nagiging oa na yung mga bagay bagay na ginagawa ko. kaya lalong nagiging mali.
pero natutuwa naman ako at naadik ako ulit sa kpop kasama na ‘yong mga kapatid ko may makakausap na ako. may kasama na ganon. naging source of healing ko siya sa isang buong araw na iniistress ko yung sarili ko kahit wala namang dapat ikastress.
nung mga nakaraan madalas hindi ako nakakatulog agad kahit anong gawin kong ikot sa kama ayaw talaga pero minsan kahit gusto ko na magpuyat pumipikit talaga yung mata ko. tapos kahit gaano ako ka focus sa bagay bigla nalang akong may maiiisp na hindi maganda.
i tried avoiding this feeling for a long time now. iniisip ko kaya kong labanan yung naiisip ko hindi ko alam kung dahil lang ba ‘to sa pandemic kaya ganito yung nararamdaman ko or nababalik nanaman yung nararamdaman ko dati.
grade school palang ako alam ko na kung anong course ang gusto ko. gusto ko talaga mag nursing. As in. bata pa ako alam ko na mahirap. pero sabi nila “ masipag ka naman kaya mo yan”
pero nung nakaraan nawawalan na ako ng gana. parang pakirdamm ko di na kaya kase na eexhaust na yung utak ko. pero nung nag kausap usap kami ng family ko about sa mga gusto naming mangyari sa future namin. i feel motivated again.
Okay naman siya this past weeks.
pero ngayong araw yung nararamdaman ko kanina na pag upo ko kase gagawa ako ng assignment bigla nalang akong umiyak kaharap yung laptop ko shet ngayon ko lang yon naranasan. never ever in my life na umiyak ako because of acads.
parang naghalo halo na yung mga fake feelings. kase pakiramdam ko kanina ako lang mag isa walang sumusuporta sakin. naging unmotivated ako. super. nag halo halo na yung mga bagay na tumatakbo sa isip ko. super drained na ako.
ganon pala yung breakdown. ayoko na siya ma feel ulit. gusto kong magshare sa mga kapatid ko kase sila lang naman ang makakausap ko sa bagay na ganon pero bat di ko masabi ng salita.
iniisip ko kase minsan. baka mind over matter lang pala talaga ‘to? wala naman akong dapat problemahin. pero pinapatay ako ng thoughts ko putangina.
iniistress ko lang ba yung sarili ko sa bagay na hindi naman? valid paba ‘to. shet naman đŸ˜©
namimiss ko yung yakap ng lola namin đŸ„ș.
And after writing this thread. i realized na ganito pala kadami ang laman ng isip ko. loaded na masiyado. huhu nagsulat lang ako ng mga bagay na na nasa isip ko kaya baka hindi niyo magets.
okay matutulog na ako baka pag gising ko bukas wala na ‘to.
sabi naman nila may strong personality ako. huhu
I am sorry kung ganito
You can follow @Kimdoyoungrenj.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: