campus crush dancer chan where he’s choreographing his class’s field demo presentation sa foundation day. he made a promise that he will finally ask his crush out pag nanalo section niyo.

kaso crush mo siya.
at siyempre, ayaw mong maging sila ng crush niya.

buti na lang at class president ka ng kabilang section.

para di sila manalo, mala-kamay na bakal ka sa pagdisiplina sa buong klase mo pag practice kahit di ka naman magaling sumayaw.
e kaso nanalo pa rin sila, kasi nga diba, si lee chan ang choreographer nila, wala namang makakatalo diyan.

sa gitna ng hiyawan ng kanyang klase habang paakyat sa stage para kunin ang trophy, andun ka sa may gilid ng field, naiiyak.
at habang tumatakbo ka sa cr para doon tuluyang patuluin ang mga luha mo, hindi mo alam na mula sa stage, lumilibot na yung mata niya sa field.

hinahanap ka niya.
unfortunately, dahil iniwasan mo siya para di mo marinig yung kuwento kung pano siya nag-confess and most likely sinagot ng crush niya, nagpresenta kang maging bloody mary sa horror booth niyo.
meanwhile, siya naman yung mamando ng song requests at shoutout sa dedication booth.

nag-shoutout pa nga siya e, binayaran niya pa kahit pwede namang libre na, pero di mo naman narinig yung shoutout niya dahil nagtitilian mga customer niyo sa loob ng horror booth.
late na nakapagsarado yung horror booth. ikaw na rin yung nagpresentang magbalik ng costumes ng mga multo sa classroom niyo.

naglalakad ka sa corridor nang may biglang sumigaw.

paglingon mo, si chan pala yun, at tumatakbo na siya palayo sayo.
ay naka-costume ka pa pala ng bloody mary.

buti na lang.

akala mo marked safe ka na from him. ayaw mo talaga marinig yung kung ano mang ikukuwento niya tungkol sa success niya sa pag-amin sa crush niya e.
kahit best friend mo siya at masaya kang nanalo siya, masakit na kakailanganin mong ibaon na sa limot ang feelings mo para sa kanya.

malabong mabasted yun ng crush niya.
sino ba naman yung crush ni chan para tumanggi sa isang lee chan, diba?

sapakan na lang pag binasted niya best friend mo.
nang may biglang kumatok.

shet sana hindi ito yung totoong bloody mary na lumilibot daw sa floor niyo pag wala nang tao sa school.
“sino yan?”

“gaga ka, tinakot mo ako kanina! akala ko ikaw na talaga si bloody mary!”

si chan.

“e anong gagawin mo kung ako nga si bloody mary?”

“walang ganyanan!”
at humalakhak ka nang malakas.

naisip mo na lang kung paano mo mamimiss ang mga lokohan niyong ganito. baka kasi kailangan mo na rin siya layuan bilang respeto sa kanyang bagong girlfriend.
binuksan ni chan ang pinto at pumasok ng classroom, “buwiset, tama na nga yang pananakot mo!”

nang makahinga ka na ulit pagkatapos ng napakadami mong tawa, tinanong mo si chan, “so paano mo narealize na hindi ako yung totoong bloody mary?”
“sabi kasi nung mga naglilinis sa horror booth, inakyat mo raw yung costumes niyo.”

ah, sinadya ka pala sa booth niyo.

“oh, e ba’t mo ako sinundan?”

“di tayo nagkita buong araw e, may sasabihin sana ako sayo.”
at the back of your head, naisip mo lang, ayan na, ikukuwento niya na sakin anyare sa pag-amin niya sa crush niya.

“dapat di ka na sumunod, baka himatayin ka pag nakita mo yung totoong bloody mary e.”
inirapan ka niya, “so ikaw okay lang sayo na makita si bloody mary kahit mag-isa ka?”

“k lang, kamukha ko naman siya.”

“mas nakakatakot ka kesa dun!”
natawa ka na lang, “alam ko! takot na takot ka nga sakin, kumaripas ka ng takbo palayo e.”

“pero alam mo mas nakakatakot?”

“ano?”

“mas nakakatakot pag di mo pala ako gusto.”
luh.

seryoso ba siya?

wait, baka double meaning, “luh, best friends tayo, siyempre gusto kita.”

umirap nanaman siya, “di kasi yun! bes naman e!”

“edi ano?!”

“crush kita, okay? yun yung sasabihin ko sayo.”

shut up.

weh?
napakamot na lang ng ulo si chan, “napakamanhid mo talaga.”

“e ngayon mo lang naman sinabi na crush mo ako e!”

“hoy, nagpa-shoutout ako sa dedication booth tapos nagpatugtog ako ng jump then fall ni taylor swift kanina para sayo.”
“sana naisip mo na nasa horror booth ako buong araw”

“sensya na, di ko naman alam na buong araw shift mo sa horror booth today”

hays, sayang talaga yung buong araw na sinayang mo sa pagdadrama.
kung di ka siguro nagtago sa kanya buong araw, baka nasagot mo na siya kanina pa at mga 5 hours na kayong magjowa.

saks lang, at least ngayon may lifetime ka na siguro para maging jowa niya no?
“so ano, magpapadedicate ba ako ng so sick ni ne-yo bukas?”

ano bang sinasabi nito?

“tayo na ba?”

ah.

“nope, lucky ni jason mraz ang patugtog mo bukas. samahan mo ng shoutout na dedication”

“anong ipapa-shoutout mo?”

“ikaw rin, gusto kita. crush kita, lee chan.”
You can follow @mydeareight.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: