On ‘sex work is work’ concept

Ang pagnonormalisa sa prostitusyon bilang ‘work o labor’ ay isang imperialist offensive. Mahigpit na kadikit nito ang pamamayani o pagbabandera ng identity politics (pagbibigay ng importansya sa indibidwal kaysa collective o common good).
Sa identity politics, kung ano ang choice ng indibdwal, walang dapat sabihin ang kahit na sino kasi choice nya yun. At yun ang pinagmumulan ng maraming usapin sa identity politics.
Delikado ito dahil palalabnawin nito ang usapin kung paano nabuo ang limited options at limited opportunities sa isang lipunan; at ang mismong pagtingin ng babae at pagdeny na mayroong oppression at exploitation na nararanasan.
Di pwedeng ikonsidera na productive labor ang sex dahil wala kang nililikhang produkto. Di mo binebenta ang iyong lakas-paggawa para gumawa ng produkto na ibebenta bagkus ikaw mismo ang kalakal o produkto.
Kaya pinapalabnaw din ng konseptong ‘sex work is work’ ang konsepto ng labor, production at productivity.

1) pinapalabnaw nito ang usapin ng VAW at karapatan ng kababaihan
2) pinapalabnaw nito ang papel ng human labor sa produksyon at pag-unlad ng lipunan
Sa dialektikong materyalismo at materyalismong istoriko, ang produksyon ng tao (productive labor) ang nagtutulak sa pag-unlad — sa pag-unlad ng kaalaman at pag-unlad ng lipunan.
Decriminalize prostituted women and children, but do not legalize the industry. Panagutin ang mga prostitution dens, pimps, at powerful clients.

Makibaka para sa isang lipunang may pagpapahalaga sa kababaihan, sa isang lipunang nagtitiyak ng oportunidad sa nakararing mamamayan.
nakararaming mamamayan***
You can follow @iamClaricePalce.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: