✨enhypen as your filipino boyfriend: a thread✨
si jungwon yung boyfriend mong sobrang sweet tsaka sobrang effort pero mali-mali nabibili kasi may pagkabingi. darating siya sa bahay mo may dalang egg pie pero sabi mo sa tawag gusto mong french fries. nahihiyang magsabi ng i love you. 10/10
si heeseung yung boyfriend mong crush ng lahat ng tropa mo kaya hindi mo pinapasama sa alis kasi baka may ibang agenda ang ahas mong mga friends. mas pinapaselos ka pa kapag nagseselos ka. dakilang driver niyo sa lahat ng alis. 10/10
si jay yung boyfriend mong sasabihing ang hilig mong magpa-baby sa kanya pero pag may ginawa ka ng hindi nagpapatulong sa kanya nagtatampo. madaling suyuin, tsaka bolahin. tinuturuan kang magtipid para daw sa future niyo, mayaman naman. 10/10
si jake yung boyfriend mong hindi mo sure kung jowa ka ba o tropa. pag inaasar ka ng mga kaibigan mo siya pa nangunguna, magastos tsaka mahilig mag-umpisa ng away para lang may dahilan para bumili ng regalo. pumupunta ng bahay niyo para lang matulog. 10/10
si sunghoon yung boyfriend mong sobrang suplado sa ibang tao sayo lang mabait, pag nagtampo akala mo break na kayo. gusto laging pinapansin mo mga ginagawa niya para sayo. naaalala pa rin yung away niyo na tama siya kahit isang taon na ang nakalipas. 10/10
si sunoo yung boyfriend mong pinakapogi sa hilera ng mga boyfriend niyong magtotropa. halos makipagsabunutan ka na sa mall dahil sa kanya. tipo ng boyfriend na nakikipagtawagan hanggang umaga. sinasama ka sa family reunion. 10/10
si niki yung boyfriend mong sinasabihan ng mga tropa mong ‘strong and silent’ tsaka ‘shy type’ pero mas marami pang alam na tsismis kaysa sa tsismosang kapitbahay niyo. lockscreen niya pangit na picture mo. mas galit pa siya sa mga kaaway mo kaysa sayo. 10/10
✨end of thread✨
You can follow @celestefics.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: