Ang dami ko atang sabaw moments today? Share ko lang dito kasi wala akong katabi. Maexpire na yung tawa ko bukas. 😂

A thread 😂
Kanina may pinabili nanay ko sa convenience store, nilagay ko lang sa bulsa ko yung pera. Tas nung nass counter na ko, inabot ko na dun sa cashier. Tas siguro naalala ko si Kyungsoo bigla kaya nadistract ako. So hanap ako ng hanap sa bulsa ko, kala ko nawawala na yung pera 😁
Tas si ate cashier parang tumatawa na kasi sabi ko "Hala!" Ehe ehe. Tas inaabot na niya yung sukli, pero hinahanap ko parin yung pera hahahahaha sana ok lang ako 😂
Nung lunchtime naman sa office. Sabi ng officemate ko, "pano lumiliko yung kabayo?". Tas sabi ko "magbubuhos ng tubig tas magsasabon". Hahahahahaha. Kala ko sabi niya pano naliligo yung kabayo 😭😭😭
Tas nung uwian. Natisod ako sa kalsada, ang lakas pa ng pagkakasabi ko ng "ay p0ok3h" 😭 tas tawa ako ng tawa magisa hahahaha nakakahiyaaa ako bakit ganon
Ay nung hapon pala, bumanat ng joke yung officemate ko. Tas mga 5 mins na tapos magtawanan. Edi tahimik na. Tas siiiiis. Bigla akong nagpasabog ng tawa magisa kasi di pa pala ako tapos tumawa. 😭 Bakit nakakahiya ako 😂😂😂 ok share ko lang.
Tumatawa nanaman ako magisa. End of thread 😭
You can follow @dyonghilarious.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: