Grabe yung luha ko nung napanood ko 'to. Kung may kakayahan at medyo nakakaluwag-luwag, suportahan po natin yung mga community pantry ng ating lungsod. Tayo-tayo na lang din naman ang nagtutulungan sa panahon ngayon. 🤷🏻‍♂️
Salamat sa nakaisip ng "community pantry" maraming kumukulong sikmura ang malalagyan ng laman sa panahon ng pandemya.
Kitang-kita sa gestures ni tatay na tila nagtatanong at nahihiyang kumuha. Sana yung mga pinoy na kaya namang maglatag ng pagkain sa hapagkainan ay huwag nang kumuha at intindihin ang linyang "Kumuha nang naayon sa pangangailangan. Magbigay ayon sa kakayahan."
Let's spread LOVE and KINDNESS. ❤️
Hello po! I want to help him. Meron din po bang gustong ipahatid ng tulong kay tatay? Dm ninyo lang po ako, we will try to trace and help him. Dinurog kasi talaga nito yung puso ko nung napanood ko to. 😭
Para po sa nagtatanong if na-trace na si tatay, currently hindi pa po. Pero inaabangan din po kung babalik po siya sa community pantry. Pwede rin po tayong magbigay ng tulong upang magtuloy-tuloy ang pagkain at hindi maubusan ng stock kung saan natagpuan si tatay. ❤️
As of now po, mayroon na pong nag-donate. Makakaasa po kayong makakarating ito organizer ng community pantry sa aming lugar at ipapaalam din na kung saka-sakaling bumalik si tatay ay ibigay ang perang nalikom. ❤️
Magandang balita po. Nakausap ko na po yung organizer ng community pantry at mayroon na raw pong nakakakilala kay tatay. Bukas daw po ay pupunta siya o di kaya ay pupuntahan ni organizer. ❤️
I will update this thread tomorrow po regarding kay tatay at sa community pantry. ❤️
09659834655 ito po yung gcash number ko. Ang lahat po ng donations ay makararating kay tatay at sa community pantry. Mamaya po ng tanghali pagkatapos ng aking klase ay nagbabalak po akong pumunta sa pantry organizer upang i-abot ang lahat ng malilikom na donasyon. ❤️
Ipo-post ko rin po rito yung nga donasyon na inyong ibinigay for transparency. 🤗
Walang maliit o malaki sa pagtulong. 🤗 Ang mahalaga ay bukal sa puso natin ang pagbibigay. ❤️
UPDATE: Nakapag-usap na po kami ng community pantry organizer at magkikita po kami mamayang hapon para mahanap si tatay at makabili ng mga pagkain. ❤️
WAAAAH!!! NAKAKA-PANGILABOT! Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng donasyon. Makakaasa po kayong makakarating ang inyong pera kay tatay at sa pantry organizer upang magpatuloy pa ang kanilang adhikain. ❤️
Pagkauwi ko po ay ipo-post ko yung mga receipt ng nag-send, tatakpan ko na lang po yung name at cellphone number para sa kanilang privacy. Maraming salamat po.

Ipo-post ko rin po yung resibo ng mga napamili. 🤗
UPDATE: Andito na po ako sa lugar kung saan nakita si tatay. ☺️ Sa ngayon ay walang community pantry dahil ang ginawa ni Sir ay gumamit ng motor upang ihatid ang mga pagkain. Kasama ko na si sir at nakabili na kami ng pandagdag sa community pantry.

Ngayon po ay Finding Tatay na
Tatay is here!!! Post ko po later yung mga pinamili ni tatay. ☺️
Siya si "Tatay" o mas kilala bilang "Buddy" siya ay senior citizen at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang tricycle driver. Noong tinanong siya kung bakit tila nag-aalinlangan siyang kumuha ay sinabi niyang para mayroon din yung ibang tao. 😭
Pati sa pag-go-grocery, nahihiya si tatay na dumampot ng makakain kahit na ipinaalam ko na sa kanya nung umpisa na pwede niyang kunin lahat ng kinakailangan nila. ☺️

Salamat din sa mama ko na nag-e-encourage kay tatay. 😘
Charaaaaan! Hindi lang isang itlog na pula ang maiuuwi mo tatay. ☺️ Marami po kasing nag-message sa akin na bilhan ng itlog daw si tatay haha kaya naging biruan namin kanina yung tungkol dito. 😅
More of tatay 💗 tinulungan na rin naming mamili si tatay kasi ayaw niya talagang kumuha nang kumuha at mamili. Lagi niya ring sinasabi sa akin na "Okay na po 'to. Tama na po' to sir."
Salamat din po kay Sir Felipe (community pantry organizer) sa adhikain niyang tumulong sa kapwa. Pagpalain pa po kayo sir. ☺️
For Community pantry para tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ni Sir Felipe sa mga taong nangangailangan. ☺️
Kung sino pa yung walang-wala, siya pa yung nag-aalok.

Mag-iiba na ang perspektibo ko kapag tinanong ako ng "Softdrinks, gusto mo?"
Maraming salamat po sa lahat ng nag-retweet at nagbigay ng donasyon. Kung hindi po dahil sa inyo ay hindi natin maipaparating yung tulong natin para kay tatay Buddy at sa community pantry. 🤗
Itlog.mp4 charot! Salamat po ulit sa mga nag-donate at naipahatid po natin yung ating tulong. 🤗
(1) Mga ginastos po natin para kay Tatay Buddy at sa Community pantry. ☺️

Receipt#1 -8,076.30
Receipt#2 - 7,055.72
Receipt#3 - 3785 (Sacks of rice ni tatay)
Plus, 7,000 for additional sacks of rice (Sa palengke po kami bumili ng bigas pero hindi po kami nabigyan ng resibo.)
(2)
10,000 pesos for Tatay Buddy
7,000 pesos for Community pantry, pandagdag po sa mga ipamamahagi ni Sir Felipe.

TOTAL: 42,917.02 pesos
Maraming maraming salamat po ulit sa lahat ng taong naging daan para makatulong tayo sa ating kapwa. Ika nga nila, walang maliit o malaki sa pagtulong. 🤗

At sana lahat ng tao ay katulad ni #TatayBuddy na marunong makiramdam, hindi makasarili at patuloy na lumalaban sa buhay. ✌🏻
UPDATE: Grabe po talaga si Tatay Buddy guys. 😭 2 kabang bigas kasi yung binili namin para sa kanya tapos he is willing to donate yung isang kaban para sa mga kapitbahay niya. Tama tayo ng tinulungan!!! 😭
Meron pa pong mga nagpahabol ng donasyon. Ang lahat ng ito ay gagamitin pa rin po sa pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan. Gagamitin po itong pambili ng bigas at iba pang kinakailangan. ☺️
Mensahe ni tatay para sa lahat ng mga nagbigay ng donasyon upang matulungan siya at ang community pantry. Sinabi ng asawa ni tatay na nung araw na ito ay nakapagsakay lamang si tatay ng 5 tao at tumigil na ito sa pamamasada muna.
Basically, 20 pesos X 5 = 100 ang kinita ni tatay.
You can follow @itsmeyourjp.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: