Blogging Experience and Learnings, A Thread

Ang pagsulat, paglalahad, at pagsasalita ay isa sa mga matatapang na maari nating gawin at gamitin bilang instrumento sa paghayag ng ating kaisipan, saloobin, at sarili.
Isang magandang karanasan ang naging hatid ng aralin na ito sa akin. Naisulat ko ang mga nais kong sabihin. Nagkaroon ako ng pagkakataon na magbigay ng mensahe sa mga mambabasa tungkol sa mga bagay na malimit lamang pag-usapan ng personal.
Para sa akin, ang pagsusulat ay isa ring ekspresyon ng sining. Sa bawat salita, may aral ito na hatid na magmumulat sa ating mata kung gaano kaganda at epektibo ang papel ng sulat sa ating buhay. Oras man ay lumipas, ang katuturan ng bawat salita ay kailanman hindi maglalaho.
Natutunan ko na sa tulong ng social media, kung saan halos lahat ng tao patikular na ang kabataan ang gumagamit, ay posibleng maihatid and diwa ng koneksiyon gamit ang kaisipan at opinyon natin sa mga bagay-bagay.
Maari tayong makagawa ng positibong impluwensiya kung gagamitin natin ang social media sa paglalahad ng kabutihan, katotohanan, payo, at istoryang totoo na makatutulong sa kanila na mas maniwala sa kanilang kakayahan at sarili sa ano mang aspekto.
Isa rin ang social media na maaring gamitin para sa blogging. Gamit ang blogging, nakakapagbigay tayo ng impormasyon sa iba tungkol man ito sa iyong sarili o sa mga bagay na gusto mo na pag usapan tungkol sa buhay o mga isyu sa mundo.
Natutunan ko na isang malaking cyber world ang social media kung kaya't aking isinaisip na ang ating salita ay may epekto sa bawat isa kaya dapat maging responsable na social media user lalo na sa mga nais natin ipahayag sa mundo.
Ito ang kauna-unahan kong pagkakataon na gumawa ng blog website. Naging mahirap man, ako ay masaya at nagpapasalamat dahil sulit naman ang aking naging karanasan. Natuto ako ako gumawa ng blog at mag edit ng isang website.
Isa ito sa mga kaalaman na aking magagamit sa susunod pa na pagkakataon. Isa sa mga napulot kong aral sa karanasan na ito ay ang mga impormasyon na inilahad din ng aking mga kaklase sa kani-kanilang blog. Naging daan din nila ito upang makapagsalita.
Kung mayroon akong gustong balikan at pag-aralan sa aralin, ito ay ang blogging at mga kaalaman na aking nakuha mula sa karanasan na ito tulad ng realisasyon na ang pagsusulat ay ekspresyon ng aking sarili, isip, at puso.
-kei
-kei

~end of thread~