tips for beginning (and not so) writers
— thread
1. Avoid too much fillers in your story. Most especially in the first chapters. Dapat ito yung opportunity para maintroduce yung characters, ipakita kung ano ang ieexpect namin sa story. Ayos lang naman ang fillers, pero kung masyado ng marami, hindi na maganda. To avoid this
it's important to: 2) Give purpose to the scenes that you write. 1-3 reasons are good. If naiidentify ito bago pa lang, mas maiihighlight mo ng maayos ang purpose na iyon sa chapter. Hindi na siya filler. Syempre, if may purpose ka, it's important din to have:
3) the outline of the story. Kahit pa super detailed or not ang importante, alam mo ang patutunguhan ng mga pangyayari. It's important esp for beginners. magsisilbi siyang map para hindi ka mawala. Minsan kasi, nagroroot sa writer's block kapag hindi mo alam kung ano ang sunod
I know writing outline might be boring for some, but trust me, you have to have it clear. Lalo na sa mga naguumpisa pa lang. It's a really huge topic if i tackle it now hahaha. Should I just create a separate thread about how I outline?
4. Have a character cheat sheet. Yep, another outline thing hahahaha. Pero again, it's really important for consistency. Haha. Wag kayong gagaya sa akin, tinamad gumawa ng full cheat sheet, kalaunan, feeling ko inconsistent ang personality nila HAHAHAH
pero kidding aside, needed talaga to esp if super haba ng nobela na sinusulat mo. One of the most important details are the following:

Personality:
Way of Speaking (v important for narrating in 1st pov):
Favorites:
Habbits/Mannerism:
Skills:
Flaws:
Good Traits:
Bad Traits:
Background:

and then this is one of my highlight in the cheat sheet:

Goal:
- Why (reason for the goal):

Internal Conflict (the reason why he can't reach the goal):

Flaw (naging bunga ng (mga) goal na hindi niya maabot):
Ang haba ding usapan ng cheat sheet, ibang thread na lang din??? HAHA
5. Read a lot of story. From different writers. 'Wag lang mag-iistick sa isang writer dahil ang tendency, baka mag-stick sa 'yo ang writing style nila. This is vvvv important to find your own style in writing.

Hindi porke gamit ang mga deep too formal tone ay yun na rin ang
gagamitin mo. Don't be afraid to experiment and find your own. Swear, been there, done that. Masyado akong naimpluwensyahan ng isang style, ang nangyari, halos magkakatunog ang mga character sa iba't ibang stories ko. Parang iisang character lang daw ang nagnanarrate
narealize ko na, oo nga. siguro dahil masyado akong naging kumportable sa style na 'to, di ko napansin na nagkakapare-pareho na sila. parang ako ang nagsasalita at 'di ang karakter.

importante, lalo na sa 1st POV, na ibase ang narration voice ng narrator sa personality niya.
If reklamador ang personality ng character, evident yun dapat sa way of narration niya. If thoughtful ang character narrator, same sa narration. If maldita, you should give off that vibe sa narration niya. It's also a must to have a list of words that the character usually say
to give them that distinct voice. most especially if alternating POV ka. maganda ring technique 'to sa pagbibigay ng distinct voices sa mga dialogyes ng iba't ibang cast.

eg. one of my char. likes to use the word, "you know" in his dialogues. pautos rin usually ang tone.
one likes to say, "are you kidding me?" in her speech. and in her narration, she usually has a lot of inner dialogues that she usually keeps to herself. i used alternating POV for this, and the other narrator doesn't have the same personality. thus, giving them distinction.
6. (Probably the last) use of Action and Dialogue tag. Mukhang marami pa rin ang nalikito rito so lemme breaknit down.

Action tag: ginagamit kapag ang kasunod ng dialogue ay action. Tuldok (.) sa loob mg quotation, capital ang kasunod eg.
"Mauna na ko." Tumayo siya at umalis.
Dialogue Tag: ginagamit kapag ang kasunod ng dialogue ay may kinalaman pa rin sa dialogue. Dito nahuhulog ang mga salitang, sabi niya, aniya, bulong niya etc. Comma (,) sa loob ng quotation. Small letter kasunod.

eg.
"Mauna na ko," aniya.
"Hoy pangit!" sigaw niya.
7. Be open for criticism. I know it's a hard step. Hindi ko naman sinasabing agad-agad lalo na kung mahihina ang mga puso ninyo sa ganito. But you have to know that criticism is very important for your OWN growth and improvement. Paano mo malalaman ang kailangang ayusin
kung ayaw mong marinig ang opinyon ng iba tungkol sa mga sinusulat mo? Mas okay yata na ipoint out yung pagkakamali mo at aayusin mo, kaysa paulit-ulit mong gawin ang iisang pagkakamali.

It's valid to be hurt esp if it's harsh. Go on. Be sad or cry. I do that, too
Sino bang gustong makarinig na yung pinakamamahal at pinagpapaguran mong likha, hindi pala kasing ganda ng iniisip mo? Natural lang na masaktan. Walang mali roon. But it's better to accept that harsh truth rather than constantly believe to a lie that it's perfect.
Cry for hours. Be sad for days. But make sure that once you're fine, read those comments again. Read them with an open mind that it's for your own good, too. That maybe there are really mistakes and that you need to correct them in order to be better.
If you managed to do that, then I'm sure you'd be better than what you expect.

That's all. I hope this thread will help you in any way. On a contrary, I can not guarantee the effectiveness of this tips to everyone. What works for me might not work for you and that's okay.
You can suggest topics that you might want me to tackle next!🤗♥️
You can follow @daizidaisy.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: