"Nak, nanonood ka ba pa bang Netflix? Sobrang ganda nung napanood ko ang title niya, Gaya sa Pelikula. Maganda ang nilalaman ng istorya. Pinaiyak ako ni Karl one of the bida. Panoorin mo, nak."

(Napahinto ako sa ginagawa ko today eh. Nakaka-soft. Hindi ko agad alam irereply ko.)
Hindi ako formal na nag-out sa Mama ko kasi feeling ko hindi na kailangan dahil kutob kong matagal na niyang alam. Hindi niya ko kailanman tinanong kung bakla ako. Kaya nagulat ako sa random na message niya. Ang reply ko, magkita kami next week dahil marami kaming pagkukwentuhan.
Alam ko namang tatanggapin ng Mama ko 'yung sekswalidad ko. Pero nakakakaba pa rin 'yung proseso ng pagsasabi kaya kahit ako, ina-avoid ko na pag-usapan 'yun. Pero kanina ko na-realize na mahalaga ang pagsasabi para sabay kaming makapag-proseso. Siya na gumawa ng paraan. Huhu. ❀
Marami akong output na hindi ko pinakita sa kaniya dahil tungkol sa sekswalidad. Natatakot ako na patuluyin siya run kasi hindi ako handa sa posibleng reaksyon. Kanina ko lang na-share sa kaniya na may sinulat akong shortfilm last year na gay-themed. đŸ˜­â€ @jphabac
Kaya mahalaga ang pagkukwento at paglikha ng content na empowering dahil hindi natin alam kung sino ang mga pwedeng baguhin nito. Maraming tulad ng mama ko na naghahanap lang din ng lakas ng loob para i-articulate ang pagtanggap nila sa anak. Salamat @TheRainBro at @jphabac Huhu.
You can follow @markraywin.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: