"BAKIT AKO SUMUKO KUNG KAYA KO NAMAN?"

A THREAD.
I was a grade 7 student, belongs to a special section ICT, Nung una ko siyang nakita kasi kailangan ng test kung pasado sa section.
Dahil first time akala namin she's sooo smart and all, kasi may glasses ka, maganda ka at parang ang bait mo...
Wala akong pake sa kaniya, kasi sino ba siya diba? hanggang sa pasukan na at classmate ko siya.
Lumipas lang ang mga araw na magkakasama kami, as far as I can remember 25 lang kami sa buong klase, bawal na madagdagan...
Lumipas lang ng lumipas ang araw hanggang sa unting unti na kaming nagkakakilalang lahat, lalo na siya dahil transferee.
Fast forward na sa grade 8, dahil special ang section namin solid kasi kami lang hanggang grade 10.
Hindi pa rin kami naguusap, pero parang nakikilala ko na siya, doon ko nasabi na, "masarap pala kasama to kasi ang ingay"...
Pero hindi ako lumapit kasi I'm insecure and maganda siya... I'm literally a nobody.
Then grade 9, dito na kami naging magkaibigan lahatttt, dito dumating yung saya, lungkot, sakit, sabay sabay na, family issues and so on.
STREET DANCE na, kailangan na mag practice... inaabot kami ng gabi kasi determined kami na manalo kahit na kami ang pinaka konti sa lahat, kaya namin eh.
(I don't even know if someone will read this but yeah.)

Dahil nga close na kami kahit papano... nung nakita ko siyang hindi okay, nasabi ko na "kamustahin ko nalang" kasi kilala ako bilang taga tanong kung kamusta ka? ok ka lang? kaya mo pa?
Sinabi niya okay lang tapos nag kwento siya sakin kung bakit... binigyan ko siya agad ng comfort kasi alam kong mahirap yon para sa kaniya, and I'm always free.
Nung time nato may gusto nako sa isa naming classmate (babae), nagustuhan ko siya kasi, dancer, mabait, friendly at cute na din, she's so talented at napaka ideal, kilala ko na siya elementary pa lang.
Close kami kasi nag kekwento na din siya sakin ng problema niya, kahit tungkol sa pamilya or sa taong gusto niya I'm always there for her, kasi di pa niya alam na gusto ko siya.
Days passed, di ko na kaya yung nararamdaman ko at sinubukan ko na siyang iwasan, ginawa ko lahat para matauhan ako na HINDI PWEDE pero wala, at the end nasabi ko nalang na gusto ko siya matagal na.
She asked "BAKIT AKO?" at nasabi ko nalang na "HINDI KO DIN ALAM" kasi hindi naman talaga,hindi siya makapaniwala, kahit ako naman kasi BABAE DIN AKO.
Pero doon nagsimula na magsisi ako, kasi in the first place kaya ko siya iniwasan kasi alam kong iba ang gusto niya at alam kong eto lang ako.
Iniwasan ko ulit siya pagkatapos ng ilang araw kasi, nakikita kong naiilang na siya at ayoko ng ganon lalo na kung kaibigan ko na siya eh, ako na nag adjust para sa kaniya
Doon siya unang nag first move (transferee), araw araw na kami nag uusap, hindi ko alam kung bakit ako kinakausap niya at kung bakit ako tumagal kasi she's so weird and all.
Pero nakisabay ako kasi anong mawawala diba? Pero naguusap na ulit kami ni (crush), friendly chat pero alam niya gusto ko pa siya, bali sabay silang kumakausap sakin at chill lang ako kasi wala namang issues.
Huminto siya (transferee) sa pakikipag usap sakin, I don't know why, pero hindi ko din alam pumasok sa utak ko kung bakit nawalan ako ng pake sa kaniya, maybe because na kay (crush) na lahat ng attention ko.
You might ask bakit nasa kaniya ulit ang attention ko eh in the first place ako pa unang umiwas?

Kasi nagpapakita din siya ng motibo na gusto niya ko, na kahit anong gawin niya dine deny ko kasi AYOKONG MAG EXPECT
Tumagal ang paguusap namin (crush) hanggang sa pati siya napa amin na gusto na din ako... syempre hindi ako naniniwala, we're best friends, kaya mahirap pa.
So nakisabay lang ako, kasi "oy baka joke lang, iba gusto niya eh" I said to myself, kahit parang may mali na.. go lang ako, kasi alam ko naman na, I'm not enough and never will be.
Pero sa araw araw na pagiging cold ko sa kaniya, sa araw araw na pakikipag usap ko sa kaniya doon na tumama sakin yung fact na... "MALI TO", kasi dapat kaibigan lang, it's not supposed to go this way etc.
Pero dahil isa akong dakilang marupok, tuluyan akong nahulog sa kaniya at parang siya rin naman, sa araw araw na yon nararamdaman ko na din na kahit papano may space pala ako sa mundo niya?
Pero nung papalapit na ang street dance, todo practice na, pero sa papalapit na yon di ko naman expected na tatama sakin yung balitang "HOY, SILA NA 3RD MONTHSARY NILA NGAYON" hindi ako naniwala kasi nakakalito naman?
If you will think about it, paano mo nagagawang mag bigay ng motibo sa isang tao kung nasa relasyon ka na pala? It's just wrong in every way.
So maiisip ko na assuming lang ako, pero hindi kasi umamin na siya, doon ako tuluyang lumayo na sa kaniya, hanggang matapos ang street dance at back to normal na ang klase, ni hindi ko sinabi sa kaniya na alam kong sila na kasi hindi naman ako sure... "GUSTO KO GALING SAYO."
Gusto ko, siya ang magsasabi deretso sakin na "KAMI NA" pero wala, ang nasaktan ako don sa part na parang normal lang sa kaniya na maging sweet sakin kahit alam niyang nakakaramdam nako na may mali talaga. I'm supposed to be happy kasi bro, "my best friend likes me too. "
1 week, after ng street dance, aalis siya papuntang manila,bibisitahin ang mama niya Friday non so wala kaming ginagawa chill lang sa room, nag goodbye na siya sa kanila kasi aalis na siya pero lumapit siya sakin tapos humiga siya sa hita ko, pero wala akong naramdaman.
Nakatulog siya sakin ng halong 20 minutes, pero wala lang akong maramdaman... kahit kilig wala na... lumapit bigla yung kaibigan ko sakin hayak cp ni (crush) kasi nag picture sila... bigla siyang may pinakita sakin na screenshot ng isang convo.
Sabi ko agad ayokong basahin kasi that's her personal space, pero pinilit ako ng kaibigan ko so binasa ko nalang... nakalagay yung pagbati niya ng "HAPPY 3RD MONTHSARY" sa girlfriend niya, biglang naiiyak nalang ako kasi, diba? Now I have my reasons to leave too.
Napangiti nalang ako tapos tuluyang tumulo yung luha ko ng hindi ko napansin... tiningnan ko siya na natutulog habang nilalaro ko yung buhok niya thinking about why did she do that... napatingin ako sa taas para mapigilan ko yung mga luha ko kasi baka magising siya.
Pero kahit ganon naintindihan ko, at doon nag sink in na, she did nothing wrong, all I want is for her so say to my face that she's with someone for months now.
Napatingin ako non sa orasan halos mag 4 pm na, kailangan niya na umalis kaya ginising ko na siya, naiiyak ako pero pinigilan ko, kasi baka masabi nila na "PARANG YUN LANG IIYAKAN MO?"... She's so special to me, that's why.
Pag gising niya, nag ayos lang siya saglit tapos niyakap niya ko... pero sa yakap na yon parang nawala lahat ng sakit sa puso ko, naisip ko nalang na "Ang sakit neto pag nawala ka." Pag bitaw niya nginitian ko nalang siya tapos unti unti na siyang nawala sa paningin ko.
A day passed, Sunday non, nagulat ako ng bigla siyang may sweet message na goodmorning, with hearts tapos sabi niya bibigyan niya ko ng candy pag uwi niya, kasi mahilig ako sa candy.
Nag goodmorning din ako, a less sweeter than her's, di ko naman naisip na that's the last day she will be that sweet to me.
(Hindi ko na maalala pero I'll continue kahit walang sense)

Nakabalik na siya galing manila, May pasok na tapos iniiwasan ko na siya kasi that day sinabi ko na "Bakit hindi mo nalang sabihin sakin na meron na palang kayo?" Nagtaka siya kung bakit ko nasabi yon.
I said "Pinakita sakin ni (friend) yung message mo nung monthsary nyo" natigilan siya tapos ang dami ko ng sinabi na, sana di ka na nagbigay ng motibo kung alam mong wala din naman.
Nagalit siya sa kaibigan ko kasi bakit daw papakielaman yung mga bagay na hindi naman dapat, gusto ko pa nga mag thankyou kasi at least nalaman ko kahit hindi galing sa kaniya directly, nawalan nako ng pake, "that's the last time that I will push myself for you"
Dahil hindi na kami nagusap after, nag last message ako sa kaniya na thankyou kasi ganito, ganyan... tapos nakakagalit yung sinabi niya na "HINDI NAMAN KAMI", eh ano yung nakita ko? Monthsary yon... ayoko sa lahat yung nahuli mo na hindi pa aamin sayo.
Pero sige lang ako, kasi ayoko ng away, so sabi ko "sige, ok lang" and di na kami nagusap.

Days passed naging close ulit kami ni (transferee) bigla siyang lumapit sakin at nag tuloy tuloy hanggang nagustuhan ko na din siya, and she likes me too, and nag usap lang kami everyday.
Hanggang sa dumating yung project sa school na shorfilm about Noli Me Tangere, kailangan na mag shooting ng scenes at mag asign ng cast.
Bago pa magsimula ang shooting, sunod sunod na problema dumating sakin to the point na nawalan nako ng pake sa lahat... you might think na "ang bata ko pa para makaramdam ng ganon" yun din ang alam ko... ang bata ko pa nga.
Nasabi ko sa sarili ko na "okay lang yan, just go with the flow and whatever happens, happens." Naging cold ako sa lahat, pero di ko naman expected na mawawalan ako ng control.
I'm suffering from anxiety and depression at a young age, and no one knows, ang hirap magsabi sa magulang mo kasi baka sabihin na "nasa utak mo lang yan, wag mo nalang isipin." That's the mentality we should overcome kasi you don't know that it's killing them slowly.
I started to cry late at night everyday, covering my mouth so no one can hear me... the fact na nalagpasan ko na to dati, kaya ko ulit to.

"I started cutting at the age of 14" no one would believe but that's the truth.
Dahil wala na kong pake sa iba, sakin lahat ng dumating tinatanggap ko nalang, then she came to me (transferee) saying she want to be mine, by not thinking straight pumayag ako, naging kami nga and nag simula na ang shooting para sa scenes.
Naging kami ni (transferee) for 1 day.

Funny to think about but yes, 1 DAY LANG.

Nung naging kami kasi doon lumabas lahat ng galit na nilalabanan ko all this time, napuno ako.

So nakipag break ako saying that "pinagalitan ako kasi bawal pa pala" kahit hindi naman
Just so that she can't bother me anymore, ang gago diba? pumasok ako sa buhay niya kasi gusto ko ilabas yung galit ko sa lahat tapos di ko naisip na puro nararamdaman ko nalang, paano siya?

There's a fact na NAGBAGO AKO
I no longer that girl who can hide her emotions and who can pretend just fine.

So dahil sa break-up na yon, nakita ko siyang umiyak... naawa ako pero hindi yung awa na gusto ko siyang i comfort, sadyang ayoko lang siyang nakikitang umiiyak.
So nag message ako sa kaniya that day, saying that it's a prank, and luckily she believed me pero manhid nako, I don't really care.

Naging kami pa din pero secret na this time, nag tuloy yon hanggang sa may nakapag sabi sakin na "NAGSESELOS SI ANO" napamura ako kasi ano naman???
Sa sobrang gago ko, nakipag break ulit ako, hindi lang dahil nagseselos siya (crush) kung di dahil sobra niyang clingy at kung ano ano. (transferee) di ko na napapansin lahat ng ginagawa ko hanggang sa natauhan ako ng konti.
Napag isipan ko na ayusin na lahat, para maayos ko na din ang sarili ko pero hindi ko yon magawa kasi may problema na naman, masakit na naman, hindi ko na alam gagawin ko so ginawa ko yung paraan na masakit din, masakit sa kanila pati sakin.
Sinaktan ko siya (transferee) para siya na mismo ang bumitaw, naging cold ako para siya mismo ang lumayo, at para kay (crush) we're friends pero kailangan ko din siyang saktan para lumayo siya sakin kasi at that time yun nalang yung nakikita kong way para sukuan nila ko.
Pinakita ko sa kanila na sobrang gago ko, wala akong puso so that they can be with someone more worth it, kasi ang malinaw lang sakin, "HINDI KO KAYANG LUMABAN KUNG PATI SARILI KO SINUSUKUAN KO NA."

Pero wala din kasi hindi sila lumayo, they stayed with me.
So I thought, "I have to try harder, more painful this time." So pinagtulakan ko siya (crush) kasi napapansin ko na kahit anong paglayo ko, she have feelings for me at mali yon so ako na ang gumawa ng paraan para saktan siya, para iwan niya na ko.
Montik na sila mag break pero nagawan ko ng paraan kasi sinabi ko sa kaniya na kaya kami nag break ni (transferee) kasi mahal ko pa siya, nasaktan siya sa part na parang ginamit ko siyang dahilan, which is di ko talaga pinagisipan. And I know I'm wrong.
So success na kay (crush) masaya na siya sa girlfriend niya, we're no longer friends but at least nagawa ko yung part ko na maging masaya siya sa taong kayang siyang ipaglaban sa lahat kasi hindi ko kaya yon.
Kami ni (transferee) okay kami pero nauubos nako... so I choose the wrong one again. Sinaktan ko siya, sabi ko nasasakal ako, tapos iniwan ko siya, without thinking na sobrang sakit non para sa kaniya kasi malapit na kami mag 1 month, pero pagod nako sa lahat.
Nung iniwan ko siya, lumayo ako sa lahat, this is the time na may covid na at quarantine, nasa ibang lugar ako para mag bakasyos pero naabutan kaya di muna ako makauwe... doon na nag sink in lahat ng kagaguhang ginawa ko, lahat ng sakit na binigay ko dahil lang hindi ko na kaya.
Sobra akong natauhan kasi sobrang sakit sakin nung wala akong nakitang choice kung hindi manakit nalang para itulak sila palayo kasi alam kong hindi ko deserve ng ganong tao. They're worth it and I'm not.
Hindi siya nawala sa isip ko (transferee/ex) kasi kahit gusto ko siyang balikan alam kong mali na, sobra na, at kaya ko lang siya hinahanap kasi nasasaktan ako at kailangan ko ng comfort? Yun lang ang malinaw sakin kaya lumaban ako.
Nilabanan ko yung temp na bumalik ulit sa buhay niya, kasi as a 15 year old, at hindi support ng family ang pagkagusto sa babae, alam kong mali yon, kasi HINDI KO SIYA KAYANG IPAGLABAN, yun ang alam ko kasi takot ako, dahil natatakot lang ako.
Araw araw akong umiiyak at dumating ako sa point ng buhay ko na I even beg God to help me, kasi hindi ko na kaya, araw araw akong humihingi ng sorry, kasi alam kong mali ako, and He helped me, I don't know how but naging okay ako, kinakaya ko na.
Ang daming problema sa pamilya pero kakayanin na, matatag na, yan ang nasabi ko.

Natuwa ako sa buhay nila ngayon
My crush is still with her girlfriend for over a year, I witnessed their First Anniversary and I'm so happy that they end up together, kasi in the first place alam kong ipaglalaban nila ang isa't isa.
My Ex is with someone now, binabantayan ko pa siya kasi baka masaktan siya ulit, baka ganito ganiyan, kasi mahal ko pa.

Pero I am so happy that they found the happiness they deserve at least for now.
I LOVED HER WHEN SHE'S NO LONGER MINE AND THAT'S OKAY, SACRIFICES ARE WORTH IT AFTER ALL.
So present time, 10/28/2020

I'm still empty and alone but this time I know my limits, I know my mistakes, I know how to handle myself and I know that I can.
Now where's the part that goes..

"BAKIT AKO SUMUKO, KUNG KAYA KO NAMAN?"

yun yung sinukuan ko yung bagay na kaya ko naman palang ipanalo pero hindi ko nagawa dahil sa takot.
What a shitty story to tell but a lot of realizations that changed the way I look at things.

Please, be patient and the one who will give you the happiness is worth the wait, the pain, and the memories.
This thread is missing a lot of moments, and a lot of things to make it perfect.

But, all of this happened for almost 3 years now... and I'm still here.

Living with the memories, that I will cherish until I'm happy too.

I hope, at least 1 person will read this one day.
Everything you do is what makes who you are today... and I don't regret having those memories in this life, love is a great thing, and love is something you can just play with, but lessons learned.
But the best thing was I get to claim my promise to God.

You know what is it?

That, The people I gave pain, and suffering have their best memories with someone that's worth it and will give everything just to make them happy.
If your suffering right now, I want you to know that there's light behind those dark mind of yours, you just need to find the way to make that light visible.
-M

-END-
You can follow @MERAKI_08.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: