"Paubaya"
-A thread
We're batchmates and we have common friends, kasama namin siyang mag entrance exam but hindi pa kami nagpapansinan noon, we both end up studying at that school but magkaibang section kami. As time goes by nagpapansinan na kami but it's only because -
- shiniship ko siya sa isang common friend namin. It was October of 2017 nung nagkaroon kami ng camping sa school and we both join. Nung gabing yon malakas yung ulan so nasira yung tent namin and since puro babae kami sa tent na yun we don't know what to do.
Nilapitan niya kami and he offered to help. So kakalasin niya yung tali ng tent sa may puno but madilim and nagkataon naman na ako yung may flashlight so kahit umuulan sinundan ko siya sa puno so that mabibigyan ko siya ng liwanag na kailangan niya.
After that night, okay naman lahat. After a weak nagchat siya sakin and then afterwards he said na gusto niya akong ligawan and pumayag naman ako. He courted me and after 3 months sinagot ko siya.
Sobrang okay nung relationship namin. Legal kami both sides and okay naman sa both family kasi we're somehow connected kasi yung kapatid ng tito niya is naging asawa ng pinsan ko.
It was when we are 7 months nang magpasama ako sa pinsan ko para makipagkita sakaniya. There pinakilala ko sila sa isa't isa and masaya kasi nagkasundo naman sila. Btw, they are in the same age.
Ayun they became so close na minsan dumadating sa point na parang ako na yung nagiging third wheel sakanila. Then yung mga tao nagsisimula nang magtanong sakin if they are together daw ba kasi they look good together daw. Masakit para sakin but hinayaan ko lang -
- kasi may tiwala naman ako sakanilang dalwa. We celebrated our first year and okay pa din naman kahit alam kong lumalabas labas na sila ng pinsan ko and minsan sinusundo niya pa sa school nila. Nanatili akong tahimik but that time sobrang kinekwestiyon ko na yung sarili ko.
I even saw them na naglalakad ng gabi habang masayang nagtatawanan. But I told myself na It's okay maybe isusurprise ka nila kaya sila magkasama.
Nung mga 1 year and 7 months na kami, I finally had the courage to ask him kung may feelings ba siya sa pinsan ko. And there I heard the answer na pinakakinakatakutan ko. Sinabi niya at inamin niya. After that pinalaya ko siya and I told him to follow his heart and go to her.
But nireject siya ng pinsan ko because she doesn't feel the same way daw. Bumalik siya sakin at gaga ako dahil tinanggap ko siya at sinalo kahit alam kong hindi na ako ang mahal niya. We tried again for 3 months.
But maybe hindi talaga kami ang para sa isa't isa because during that 3 months nagstart na din silang magkadevelopan ng bestfriend ko HABANG KAMI PA. I can see how happy they are kapag magkasama sila. And masaya akong masaya silang dalawa kahit sobra na akong nasasaktan.
So ayun pinaubaya ko na siya sa kaibigan ko. Sinabi kong ayos lang sakin at masaya ako para sakanila kahit masakit. Kahit sobrang sakit na makita silang magkasama. Kahit sobrang sakit na makita siyang iba na ang nagpapasaya. But okay lang atleast masaya siya.
And the lesson here is "Kung alam mong hindi na ikaw ang mahal niya at ang nagpapasaya sakaniya, palayain mo na siya. Dahil mas masasaktan ka lang kung ipipilit mo pa ang isang bagay na hindi na pwede."
I made this thread so that I can finally let go the pain you made me feel. Thank you for the memories and for everything. Also, I want to congratulate myself because finally after a year na let go ko na yung lahat ng mga natirang mga tanong at sakit na nararamdaman ko.
I am finally free. đŸ™‚â€ïž
You can follow @alienaque.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: