Non-verbatim

Me: Grabe stressed na mga bata. Gumagastos ang gobyerno tapos hirap pa mga bata matuto. Hindi pa totoong ready ang DepEd. Siguro dapat academic freeze muna
Co-teacher: eh hindi pwede. Mawawalan ng sahod teachers.
Me: baka naman pwedeng pagtrabahuhin nila tayo. Edi gawin natin ‘tong modules and all preparations. Kasi di natin alam kung kailan matatapos pandemya na to
Co-teacher: huh? Edi wala tayong gagawin. Mawawalan tayo ng sahod
Me: hindi nga. Gagawa nga tayo. Para naman prepared tayo next year.
Co-teacher: hindi pwede. Mawawalan ng sahod ang teachers.
—Okay. Napaka hypocrite ko kung magsasabi akong ayoko ng sahod. Teacher din ako. Pero ‘yun na nga. Teacher ako. Pangalawang magulang ng bata. While I understand na we need to make a living, naaawa ako sa mga bata.
It is true na may mga batang nagpo procrastinate, tas maiistress afterwards, mga di nagseseryoso... eh kasi nag-aadjust sila. Na dati pahingahan ang bahay, ngayon, imbakan na ng modules or tasks.
Buti sana kung fruitful. Eh ‘yun ngang face-to-face, hindi lahat ay matutunan nila, ito pa kayang sistema natin. Hindi naman ito pagrereklamo kasi hindi naman ako magaaral.
Sana lang din ‘yung mga ka-edad ko or mas matatanda, STOP comparing our generation sa henerasyon ngayon. What’s the point? Alagaan natin ang future ng bayan. Not to the point na ipapamper natin sila pero huwag din natin silang patayin.
Bilang teacher, ito ang kaunting opinyon ko. Sa totoo lang we are bashed enough na “walang ginagawa” and I know mas malala mga matatanggap naming salita ‘pag nag academic freeze pa. Pero tutal ‘yung iba namang mas may gulang eh bilib na bilib sa “tatag” nila...
Edi sige, tayo na lang ang ma-stress. Tutal kaya niyo naman i-handle ‘di ba? Sumuko na tayo, the world ain’t loving the teachers no more. At least, protect na lang natin ang ating mga “anak.”
Anyway, affected pa rin ako sa bashers. Kaya I might delete this thread if magka bonggang backlash. Ps sorry sa unorganized thoughts
You can follow @blessingangelaa.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: