Ang Hinagpis - a thread.
Sa wakas, naiintindihan nya na
ang ibig sabihin ng pagiging mortal:
Ikaw ay mag-isa sa mundong ito.
Mula sa simula, hanggang sa dulo.
Napatitig na lamang sa langit,
sobrang lungkot ang nadarama.
Kanyang mga mag-aaral at kaibigan,
Ay bumalik sa dating pamumuhay.
Kahit ang kanyang mapanlilang na dila ay iniwan siya.
Pati na din ang kanyang ama na hindi dumating.
Ano ang naging halaga ng lahat ng mga ito,
ang mga kwento na pinangaral sa isang burol?
Kung hindi makikita ang katotohanan sa kamatayang ito,
anong pag-asa nalang ang naghihintay para sa kanila?
Marahil hindi lahat ng ito ay mali,
ang desisyon na pag-samahin sila na parang mga tupa.
Sila ay parang mga tupa, sa isang banda.
Ang kanilang mga isip ay tulad ng mga tupa:
Hindi mapanghusga, ngunit madaling mauto sa kasalanan.
Kaya naman sa kanila, siya ang mabuting pastol.
Ngunit hindi nya matatakasan ang kabalintunaan.
Hinding-hindi kailanman.
Siya na nadala sa araw na ito
sa kanyang kamatayan!
At mas mabuti pa sa kanyang walang-walang kawan,
hindi man lamang niya ipinakita ang mga luha.
Ngunit kitang-kita sa kanyang mga mata ang sakit
habang tinitingnan niya ang kanyang ina.
Ang kanyang ina na nakatayo at nakatingin sa kanya.
Anong masasabi niya sa kanya na gusto niyang marinig:
Siya ay mamamatay, dahil dapat siyang mamatay?
Tila nakita na ng kanyang ina ito simula pa lang.
Sinubukan nya kahit taksil ang katarungan.
Ang mga anino ay nagpapahiwatig lamang
ng matindi at hindi maiiwasan na katotohanan.
Nararamdaman na ng kanyang ina ang bigat,
Siya na ang katawan ay dinadala ang lahat.
Ang mga huling salita ay para sa kanyang ina,
para sa magnanakaw na nagpahuli sa huli.
At para patawarin ang sangkatauhan
sa kanilang mga nagawang kasalanan.
Ang mga natirang salita ay para sa kanyang ama,
tulad ng nararapat lamang.
Wala dapat makalimot ng pangyayaring ito, dahil
ito ang napakalaking plano ng Diyos.
Ang mismong Anak ng Diyos na nagkatawang tao, tagahatid ng kapayaan, at tagapagligtas ng sanlibutan,
ngayon ay nakalatay sa kanyang kinalalagyan.
Inaamin niya, kahit siya, hindi niya matukoy.
Hindi na malinaw: ang kanyang isipan at katawan
sobra sobra na ang mga natanggap, naghihirap
mula sa wala at nagdaramdam.
Basta alam niya kung ano ang maliwanag:
siya ay pinanganak isang gabi; ngayon siya& #39;y mamamatay.
Lahat ng dakilang nagawa at pagbibigay sa kapwa
ay hahantong pa din sa hindi maiiwasan na katapusan.
ang Sarili ay dapat munang maubos,
bago ito makalipat papunta sa Kabila.
Habang isinasaalang ala ang lahat ng ito,
iniangat niya ang kaluluwa ng kanyang pagkatao,
pabalik sa palad ng mahabaging Diyos.

—end of thread.
You can follow @KingsleyFrazier.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: