Isang paalala lang na ang pagsali sa NDMOs ay hindi puro kaseryosohan baka ang akala nyo ay puro polwork lang sa kolektiba ah. Magagawa mo pa naman yung mga ginagawa mo dati. Hawak mo pa rin naman oras mo pagkakaiba nga lang alam mo na saan lulugar.
Tumatawa din naman kami, umiiyak, nalulungkot, nakikipagbiruan, di naman stagnant ang pakirdam sa kolektiba. Ang pagpapanibagong-hubog din naman ay hindi pagbitaw sa mga bagay na kinasasaya mo dahil nakagagalak ang pagpapanibagong-hubog.
Sama na natin yung pagiging against ng mga parents natin/relatives sa ganitong gawain. Marami kang kalalagyan sa kolektiba, ang pagiging tibak naman ay hindi pulos mobs, at rally. As a tagong tibak for now kung hindi ako nagre-recruit ng mga kasama, nagiinstru ako, o nagsusulat.
Na hanggang ngayon patuloy ko pa rin hinahasa ang sarili sa mga gawain na yan. Walang sinilang na magaling agad at sa tulong ng mga kasama at sariling paghahasa tumatalas ang ating kakayahan.
Hindi rin required na magaling ka sa kahit ano. Sa mga kasama mo malalaman ang kahinaan at kalakasan mo at yang kahinaan na yan ay tutulungan ka ng kolektiba na maigpawan. Ako ayokong magsalita at nahihiyang magsulat at magaaproach ng tao non pero ngayon unti unti na nagbabago.
Gayundin, huwag mong isipin na magiging hadlang to sa pag-aaral natin dahil pramis mas masarap mag-aral sa PADEPA tapos naapply pa yung mga natutunan dito sa mismong pag-aaral natin. Isa pa, dahil andyan ang mga kasama may pwede kang lapitan para sa acads.
You can follow @_eggplantboi.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: