Since we are here, I’d like to make a little thread why parliamentary struggle, though, important wouldn’t change the system built to serve the ruling class and maintain the status quo. https://twitter.com/tomicapacible/status/1316378546172907520
Una, tignan natin ang katangian ng lipunan ng Pilipinas.
Mayaman ang Pilipinas dahil sagana ito sa likas na yaman at lakas paggawa ng mga mamamayan ngunit nag hihirap ang sambayang Pilipino. Bakit?
Mayaman ang Pilipinas dahil sagana ito sa likas na yaman at lakas paggawa ng mga mamamayan ngunit nag hihirap ang sambayang Pilipino. Bakit?
Sa social triangle na ito, makikita natin na 99% sa populasyon natin, kalakhan ay nasa service at agricultural sector. Nandyan din tayong mga estudyante’s propesyonal- petiburgesya at siyempre ang mga lokal at maliliit nating businessman.
Sa taas, makikita natin ang 1% na binubuo ng mga PML o Panginoong may lupa at MBK o malalaking burgesyang kumprador.
Sino sila? Sakanila nakasentro ang kapangyarihan para kanino gamitin ang mga likas na yaman natin at lakas paggawa ng mga Pilipino.
Parang sirang plaka na pero diba hindi tamad ang mga Pilipino pero bakit hanggang ngayon lugmok parin ang kalakhan sa kahirapan?
Kasi wala tayong kalayaan mag desisyon sa kung ano ang mas makabubuti sa atin at bakit hindi parin nababago ang malapyudal at malakolonyal na lipunan ng Pilipinas.
Malapyudal dahil hawak ng panginoong may lupa ang mga lupa ng magsasaka at pinapautang ito ng mahal na usura.
Malakolonyal dahil hinahayaan ng malalaking burgesyang kumprador ang pagkatali ng kalayaan natin sa mga pinagsisilbihang mga naghaharing uring mga dayuhan.
Malakolonyal dahil hinahayaan ng malalaking burgesyang kumprador ang pagkatali ng kalayaan natin sa mga pinagsisilbihang mga naghaharing uring mga dayuhan.
Kaya mula kay Aguinaldo hanggang kay Duterte, hindi parin naabot ang tunay na kalayaan ng Pilipinas. Kalayaang makapag tayo ng sariling industriya at gamitin ang sariling likas na yaman at lakas paggawa para sa interes sambayanang Pilipino.
Dahil ang pinagsisilbihan lamang nila ay ang Imperyalismong US na sinamantala ang kahinaan ng Pilipinas matapos ang pandaigdigang giyera.
Pinangakuan nila ang Pilipinas ng kalayaan ngunit sa katotohanan ay wala silang ibang ginawa kundi supilin ang mamamayang Pilipino.
Pinangakuan nila ang Pilipinas ng kalayaan ngunit sa katotohanan ay wala silang ibang ginawa kundi supilin ang mamamayang Pilipino.
Ginamit nila ang kultura, pulitika (PML AT MBK) at ekonomya (import dependent at exported oriented) para mapalakas pa lalo ang ugnayan nila sa mga lokal na naghaharing uri sa ating bansa.
Ever wondered bakit ginagawang negosyo ang pagiging pulitiko? Sila ang tinatawag na burukrata kapitalista. Sila ang mga presidente, ang mga tuta, ang mga tunay na terorista na naghahasik ng lagim sa bansa natin.
Lahat ng ito ay para hawakan sa leeg ang mga Pilipino, gapiin ang kapangyarihan nating maghimagsik at abusuhin ang kayamanan natin sa likas na yaman at murang lakas paggawa ng mga Pilipino.
Kaya makikita nating sa deka-dekadang panunipil sa atin, ang pag lahok sa loob ng sistema para baguhin ito ay importante ngunit ang pinaka primarya at ang sagot sa lumulubhang krisis sa Pilipinas ay ang pambansa at demokratikong rebolusyon.
Lol I tried to simplify Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino but this is usually taught around 4–6 hours so I encourage everyone to join PAKUM EDs of NDMOs. Meron kami sa @AlaySiningEpey every month. Join kayo kung sakali
