Bakit mahirap magsimula bilang graphic/motion graphic freelance artist dito sa Pilipinas?
A thread
A thread
Sobrang kaunti ng nakakaintindi ng hirap sa creative process ng ginagawa mo
Nakakapiga kaya ng creative juices lahat mula logo/video ad/pubmats
Lalo na pag walang idea yung client pero pag nagpasa ka na unli revisions naman
Again, nagsisimula ka pa lang so most likely walang bayad yan
Kung may bayad man, minsan daig pa ng
weekly allowance ng high school student
weekly allowance ng high school student
Tapos madidinig mo pa magulang mo magsabi "siningil mo pa yun?"
As if yung oras na ginugol mo walang halaga at dapat ipamigay lang sa lahat
Aasa ka na lang na ipromote ka nila pero most likely di ka ippromote ng karamihan ng first clients mo
Plus, since wala or sobrang minimal (to the extent na bibigyan ka lang ng jollibee meal tapos entitled na agad sila magdemand ng deadline) ng bayad, kailangan mo magmaintain ng full-time job
Na minsan mapapabayaan mo na kasi mas demanding pa yung iba mong clients kesa sa mga bisor mo
Tapos kahit approval na lang or appreciation yung hinihintay mo sa clients mo madalas wala kasi ang tingin nila kinalikot mo lang yung laptop mo tapos magic may pubmats ka na
And madalas never icoconsider ng pamilya mo na seryoso ka sa ginagawa mo kasi hindi ka naman doktor o abogado
Anw, magiging rant na 'to. I'm not pertaining to any of my clients ha, these things happen to most of us na nagsisimula pa lang sa industry
I'm personally blessed kasi may mga old friends ako na napangakuan ko ng gawa but until now di ko pa natatapos dahil nga binabalance yung full-time work and sideline
Plus may ibang clients na kailangan iprioritize
But this thread is not to sound ungrateful. All of us artists are thankful to all our clients no matter how small the project or pay is
This thread is just to shed light to some of the struggles that a beginning digital artist usually goes through
Not including the tight competition kasi sobrang daming experts/established companies/very cheap alternatives ang kalaban sa industriya
I just hope that we'll be reminded na hindi lang porket wala silang title madali na at walang halaga ang mga ginagawa nila
Tao lang din kaming may mga pangarap. Sana pag nagsisimula pa lang kaming abutin yun wag niyo naman agad tapakan
-end of thread-