Sa mga kritiko ng Wattpad:
Kaming mga manunulat ay maaaring walang pormal na edukasyon sa pagsulat. Maaaring nagsusulat kami para maging masaya at magbigay-saya. Maaaring hindi kasinghusay, kasing-inam, at kasinlalim ang aming mga akda sa mga may parangal.

Pero manunulat kami. +
Karamihan sa amin ay bukas na punahin at turuan, lalo na kung hindi sisimulan sa pagmamaliit at panghuhusga. Karamihan sa amin ay hindi naman nag-aakala na makapapantay kami sa mga beterano at mga sagisag ng literatura ng bansa. +
Kung gusto kaming tulungan, bakit hindi kami tulungan sa paraang hindi tatapak sa amin? Bakit kailangang ang simula ng pagkikritiko ay ang paglalagay ng malinaw na linya sa kung sino ang nakaaangat sa literatura? +
Bakit susukatin ang sinseridad ng pagsusulat namin sa kakayanan naming tumanggap ng kritisismo na sumasalakay sa personal naming buhay o/at sa mga tagahanga na nagtatanggol sa amin?
Kung gusto ng pagbabago, laging bukas ang Wattpad para sa makatutulong sa mambabasa at manunulat nito. Ang aming komunidad ay paunti-unting gumagawa ng paraan para mahusay ang dapat husayin, lalo na sa mga manunulat.

Hindi kami nakokontento na lang sa pagbibigay ng kritisismo.
You can follow @tcwdmwrites.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: