Write you want. Hindi iisa ang purpose ng lahat ng akda. Hindi lahat ng akda, kailangang may napakalalim na mensahe para masabing nararapat basahin. Gaya ng sinabi ko noon sa ilang kakilala, may mga kuwentong para magpasaya at magpalimot. May mga kuwentong para magpaisip. +
May mga kuwentong para magpamulat. May mga para magpapayapa. Iba't iba ang pangangailangan ng tao kaya nagbabasa.

Kung nagsisimula ka pa lang, isusulat mo muna ang nakatutuwa sayo at sa ibang tao. Hahabulin mo muna ang kumikiliti sa imahinasyon mo. Pero hindi laging ganun. +
Kalaunan, kapag sanay ka nang magkuwento, ikaw mismo bilang manunulat ay mararamdaman ang pangangailangan na sumulat ng akdang may mas malalim na kahulugan sayo, sa buhay, at sa bansa mo. Kalaunan, magsusulat ka ng kuwentong tataglayin ang lahat ng gusto mong sabihin. +
Hindi ka makakarating dito, kung sa una pa lang ay hahanapin mo na sa sarili mo ang kabuluhan na kahit ikaw ay hindi mo pa nakikita at hindi pa nauunawaan. +
Kaya bigyan mo ng panahon ang iyong sarili. Huwag mong limitahan ang imahinasyon mo. Magsulat ka.
You can follow @tcwdmwrites.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: