Mrs. Villar, paano naman po kami magiging competitive kung wala naman subsidy ang gobyerno sa sektor namin. Sa Vietnam at Thailand, malaki ang laang pondo para tulungan ang mga magsasaka una na dito ang maayos na patubig, sunod libreng binhi at pataba, yung labor cost na lang... https://twitter.com/cnnphilippines/status/1311531580595134466">https://twitter.com/cnnphilip...
ang gastos ng farmers nila kaya mababa ang bigas. Ano po ba ang ginawa mo, ipinasa nyo ang Rice Tarrification Law na ang nakikinabang lang eh yung mga may malalaking puhunan para makapag import ng murang bigas. Instinct na lang po ang pairalin natin(kahit po ipis meron nito),...
alam natin na kung mas maraming supply ng imported na bigas eh natural na babagsak ang presyo nito at kasabay ang pag-baba ng presyo ng lokal na aning palay. Bago sana kayo gumawa ng pahirap na batas eh naglaan na muna sana kayo ng pondong ayuda sa mga magsasaka para makabwelo
muna kami at di malugi. Kung kaya ninyo na taasan ang sweldo ng mga sundalo at pulis, eh bakit naman kaming nagpapalamun sa inyo eh di man lang matapunan ng konting ayuda, never kaming naging prayoridad ng gobyernong ito, wag na kaya kami magtanim, tignan natin kung hanggang..
kailan tayo pwede suplayan ng bigas ng Vietnam at Thailand. Di nyo ba alam na lumalaki din ang popolasyon ng mga bansang yan at darating ang panahon na sila man ay kukulangin na rin ng suplay? Gagong idiot lang ang di maka-realize ng ganung sitwasyon.
Ayaw namin umasa sa pangakong ayuda na manggagaling sa taripa sa imported na bigas, eh yung coco levy fund nga na dekada na ang tagal eh di pa maibigay sa mga magsasaka ng niyog iyan pa kayang taripa sa bigas ang magamit para sa amin? Tanga lang ang maniniwalang makikinabang kami
You can follow @HMakabayan.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: