I have to be honest, nung nag viral si Buknoy for his problematic chika, hindi ako publicly nang-call out, although I agree with the criticisms and hindi yun kaya ma-justify.
Pero may mga factors akong pinagiisipan para ma-construct yung critisism ko nang mas maayos.
Pero may mga factors akong pinagiisipan para ma-construct yung critisism ko nang mas maayos.
Una, he came from a less privileged family. The way he tries to project his “privileges” like starbucks, cellphone, internet, purchases etc is reflective of how he believes that “privilege” means power.
Lahat ng dumaan sa hirap, ako din naman, alam na status symbol ang starbucks nung di pa natin afford. Nakakatawa nga kung paano minamata ng mga tao yung pag-brag niya sa starbucks, kasi kung titignan maigi, yung pag-pulis natin dun ay form of elitism.
Mababa na value ng starbucks for us who can afford to have a cup anytime natin na bet. Pero sa mga gaya nila? It’s this longingness to belong sa mga afford. Dahil nga, just the idea of affording a cup means power.
It means power dahil alam naman natin na ang power ay naka-ugat din sa class natin, o yung simpleng kakayanan makabili ng mga bagay-bagay na di afford ng lower class.
Bakit niya kailangan ng “power” na yun to belong? Eh yung mga tao like Erika Embang and miss everything wala naman attempt to do that para magka-power? Wala naman direct effect yun kung gusto niya magka-following? Dito papasok yung ikalawang factor.
Bata tapos effem. Yung desire to gain power ay napaka common sa isang classist na lipunan. Kaya nga naging mentality ng mga bakla ang maging “extra” para maka-gain ng power, para i-respeto sila. Iba’t ibang porma yung ginagawa to gain this power.
May mga nag eexcel sa academics, sa career, pero kaakibat ng lahat ng ito ay monetary power. There is this thinking na pag may pera ako, di mo ako pwedeng bastusin. Nakakalungkot dahil sobrang reflective nito sa isang lipunang hindi pantay at patas.
It’s a sad truth, respect in reality is earned because of your power, lalo na kung bakla ka, or else you’ll submit to these notions of “how a bakla should be” to gain respect kahit di ka marangya, one thing is being masc, or what they call “disente”
At kung effem ka na hindi pa nag eexcel sa academics, kailangan maganda o may pera. Jusko, ilang beses niyo na bang narinig yung “bakla na, tanga pa” ibig sabihin, dito pa lang, nakikita na “negative” quality ang bakla tulad ng pagiging tanga. Kaya dapat may redeeming factor ka.
Paano nalang kung pa-girl ka, di katalinuhan, tapos hindi pa maganda? Either funny ka, o kailangan may pera. Hindi sapat yung pagiging mabait. Dahil yang kabaitan na yan ang dahilan bakit maraming exploited. Dahil sinaksak sa isip nila na hanggang dun nalang sila.
Reflective din ito kung bakit naging language ng mga bakla sa relasyon ang monetary transaction to a point na nagkakaroon sila ng internalized oppression na “the only reason for a man to love me is if I can provide for him. Money is my power.”
Sa totoo lang, kaya may ganito akong angle, may mga alaga akong baklang effem na urban poor. Ito yung tinatawag niyong baklang kanal. When I graduated, alam ko na yung advocacy namin sa babaylan ay kailangang lumabas sa unibersidad. Dito ako nagsimula
Yung mga alaga kong ito, may konsepto na sila ng trans, pero for those who can afford transitioning pa lang. Marami sa kanila, babae ang tingin sa sarili nila pero bakla at hindi pa din trans. Sila yung audience na hindi nakakaintindi ng language natin sa sogie.
Ibang-iba din ang language nila. Hindi sila basta pwedeng i-korek o punahin, kailangan mo makatawid sa mga walls nila na hindi magreregister as okray/daot yung pagwawasto. Mahalaga na makuha mo yung tiwala nila at respeto bago ka nila pakinggan.
I can relate really. I remember nung bagets pa ako, hindi ko din basta-basta napro-process ang criticism (feeling ko hanggang ngayon) kahit na galing pa sa mga kakilala. Feeling ko it’s always an attack, na may intention to attack and harm me.
I think, normal sa lahat ng na-bully na naka-gain ng strength to stand up and fight back yung magkaroon ng walls, to a point na kahit ang criticism ay hindi na ma-process. Hindi ko ito jina-justify dahil ako mismo inaddress ko to sa sarili ko dati til now.
I learned all of this from my friends. Sila ang nagsabi sakin na mataas ang walls ko. At eto ngayon yung nakikita ko sa mga alaga ko, sa mga baklang gaya ni buknoy. Baka kaya hindi naproprocess ni Buknoy ang pamumuna kasi may mali talaga sa lenggwahe ng kritisismo natin sa kaniya
Ang gusto kong sabihin, intersectional ang mga isyu na ito. Hindi natin basta pwede i-assess ang criticism na tungkol lang dun sa maling ginawa dahil alam natin na isa sa mga dahilan ang struggles at harsh realities na ito ang nagtutulak sa mga ganitong pangyayari at pagkakamali.
Hindi mo pwedeng ihiwalay kay Buknoy ang pagiging baklang effem niya at ang estado niya sa buhay. Sa totoo lang, dapat sapat na yung pagiging bata niya para tignan sa ibang lente yung pananaw niya.
Ngayon babalikan ko ang mga puntos na nilatag ko. Justified ba ang bad behavior dahil sa mga nabanggit? Hindi.
Daserv niya bang ma-call out? I can’t say, pero kailangan niyang punahin at iwasto.
Daserv niya bang ma-call out? I can’t say, pero kailangan niyang punahin at iwasto.
So ano ang point?
Ang gusto ko sabihin na baka kailangan mas malinaw at grounded ang kritisismo para siguraduhing hindi lamang ito tungkol sa isang tao, kundi sa isang sistema na kailangan buwagin. At hindi na tungkol sa pag-gupit niya ng hikaw, maling grammar, at starbucks cup
Ang gusto ko sabihin na baka kailangan mas malinaw at grounded ang kritisismo para siguraduhing hindi lamang ito tungkol sa isang tao, kundi sa isang sistema na kailangan buwagin. At hindi na tungkol sa pag-gupit niya ng hikaw, maling grammar, at starbucks cup
Eh anong gagawin natin dun sa power na yan? Gamitin sa tama. Mali na ba mag gain ng power ngayon? Hindi ko masagot ng Oo o Hindi, coz i’m only stating our reality. But I think, wala ang ganitong desire for power kung patas ang pag-trato sa lahat. Equal opportunity is a step.
Wala sa opinion ko ang magdidikta ng tama o mali tungkol diyan dahil intersectional ang struggles natin. Mas maigi kung mismong yung mula sa ibang sektor panlipunan ang magsasalita ukol diyan. But I can say that we can definitely start somewhere. SOGIE EQUALITY Law is a step
So maybe the next time we encounter people like buknoy, o pag may judgment kayo sa mga baklang sinusustahan yung mga jowa nila, manalamin at tanungin ang sarili, ano ba ang meron ako na wala sila, bago natin buuin yung kritisismo natin sa kanila na sana ay tumawid sa kanila.