Fix You, Miss Dull Almighty (FMS#1)

Oliver Morris Quintaña — a thread
Feeling famous, awit. May pa-thread. HAHAHAHAHAHA!

Inaaway kasi nila ko. 🥺 High blood sila sa ginawa ko kay Ollie.
Dahil gusto niyo ng explanation, I swear, mahaba ‘to.

We have to start to year 2012, 8 years ago, sa Makati. 😌

So, 8 years ago, nakilala ko si Oliver. Classmate ko siya n’ong college. He’s one of the sweetest man I know.
Macmac or Oliver, or I simply call him my dear — na sa kanya nanggaling. He called me my dear. N’ong tinanong ko siya, hindi niya ma-explain. Basta sabi niya, I am his “my dear” so he have to be “my dear” also. 🤣
Si Oliver, sobrang kulit n’on. Walang pangalan ‘yong mga sections namin noon maliban sa room namin. 🤣

Tawag sa amin, Room 1-3. Pero kaming room 1 biglang naging Shimpampoo. Tanong niyo kung sino nagsabi niyan. HAHAHAHA edi si Oliver 🤣
Kapag papasok kami n’on, may color coding kami. Either lahat kami naka-itim o di kaya red, minsan blue or white. Kahit ano. Mas madalas pa kaming mag-color coding ng damit kaysa magsuot ng uniform. HAHAHAHA! Pero hindi kami pinapagalitan. Minsan nakikisakay pa profs namin.
One year na lumipas. Nagkaroon ng student government election. Ang liit ng school namin, ang konti namin, pero tuloy ang eleksyon. As usual, per room ulit labanan. Ang weird talaga pero kahit isang taon na lumipas, halos lagi pa rin kami magkakasama kahit magkakaiba kami course.
Araw ng eleksyon, lahat kami nasa school na tapos wala pa si Oliver. Pinuntahan namin siya sa bahay nila, mga dalawang street lang kasi from school. Kagigising niya lang, tapos di pa siya nakakaligo. Pero hintayin daw namin siya. (Sorry, di ko matandaan sino kasama ko nun.)
After makaligo ni Oliver, lumabas siya ng naka-boxer. May hawak na dalawang polo. “My dear, anong susuotin ko?” Tinignan ko yung hawak niya. Tapos sabi ko ‘yong checkered ‘yong suotin niya kasi mas bagay ‘yon sa kanya.

Oo nga pala, tuwing umaga pagpasok niya bebeso siya sa’min.
Sa akin, pag-kiss niya sasabihin niya “good morning my der!” Tapos tatawanan ko siya. Gusto niya daw der kaysa sa dear. HAHAHAHAHA! Tapos random yan sisigaw sa room, tatawagin ako, paglingon ko sasabihin niya sa’kin, “I love you so much, my dear!” 🥺
Balik tayo n’ong election day, after ko siyang pilian ng polo, nag-pants siya tas belt tapos sabi niya, “my dear sorry, pwede mag-medyas din ako?” Sobrang nag-ayos siya n’ong araw na yon. Tapos ang bango niya. N’ong magpaalam siya sa mama niya, kumiss pa siya. Tapos lumapit na —
siya sa akin. Sabi niya, “gwapo na ba? mabango na?” tas pinagtawanan ko lang siya.

HINDI KAMI MAGJOWA. Gan’on lang talaga siya ka-lambing. Take note, sa lahat. Sobrang lambing niya sa aming lahat.
Ilang oras lang after n’on, narinig ko siyang kino-congratulate ‘yong kabilang partido. sksksksksk

Kaharap niya that time ‘yong president ng partido namin. Sinabi niya na yong kalaban binoto niya.

Awit, pikon na pikon ako. Pagkakita niya sa akin, tinawag niya ko. DI KO PINANSIN
Nakatingin sa akin mga barkada niya rin, pero wala akong pake that time, nasa isip ko lang. sa lahat ng pinagpaguran namin, hindi niya kinonsidera yong pinaghirapan naming lahat. Tapos kalaban pa namin binoto niya. Pikon na pikon ako n’on. Di ko talaga siya kinibo.
Next morning, ginising ako ng nanay ko. Sabi patay na daw kaklase ko. Sabi ko pa kay mama, ano ba yon? “Si Oliver daw patay na.” Hindi yon, tigilan niyo nga ako. “Tanga, umiiyak si Maydenelle sa kabila. Kung tingin mo niloloko kita, puntahan mo.”
Napabalikwas ako ng bangon. Chineck ko cellphone ko. Around 4 am, may chat na sa group chat namin na wala na nga si Oliver. Nanlamig ako. Napatingin ako kay mama tas tumulo luha ko.
“Ano daye?” sabi ko patay na nga daw ma. Kaninang madaling araw pa.
Sobrang sakit n’on sa akin, personally, kasi inaway ko siya day before. May samaan pa kami ng loob. Ang iniisip ko pa noon, pagpasok namin ng Monday kakausapin ko na. Tutal hindi naman siya aware kung bakit ko siya inaway. Pero wala pang Lunes, wala na pala ko kakausapin.
Ilang linggo kami nagluksa. Lahat sa school, puro condolence maririnig mo. Lahat nakikiluksa sa amin. Maya’t-maya naiiyak kami lahat. Tapos unti-unti bigla na lang may mga nararamdaman kaming kakaiba kaya nagtatakutan kami. Nakaburol pa siya nung time na yun.
Sa lahat, ako yong may malakas na pakiramdam sa mga ganon. Pero ilang araw na mula ng mamatay si Oliver, hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Lahat sila nagkukwentuhan na nagparamdam sa kanila at napanaginipan nila, pero sa akin wala. Naiiyak ako na bakit ayaw mo magpakita —
sa akin? Of all people, ako dapat una makaramdam pero mag-iisang linggo na wala ka pa ring paramdam?

Unti-unti na tumatak sa isip ko na baka galit siya sa akin dahil pinag-mukha ko siyang tanga n’ong araw na yon. Kahit tanggap ko na baka galit siya, nagtatampo pa din ako.
Huling lamay na pero wala pa ring paramdam si Oliver sa akin. Nakakaramdam ako ng kakaiba pero hindi ko maramdaman na siya yun. Umuwi na ko kasi umaga daw ililibing, lahat kami makikipag-libing kaya sabi ko uuwi na ko kasi masama pakiramdam ko.
Bigla ko siyang napanaginipan.

Sa panaginip ko, galing ako sa kwarto tas papunta ko sa terrace namin, sa sampayan. Sinusungkit ko yung white blouse ko na susuotin ko sa libing ng biglang may sumungkit non tas inabot sa akin. Si Oliver. Nakangiti siya sa akin tapos humiha siya —
sa harap ko. Sabi ko, “anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka sa bahay namin?” “Pwede ba ko umalis ng hindi nagpapaalam sa my dear ko?” I cri! I cried so hard while looking at his shaking shoulders kasi pinagtatawanan niya ko na umiiyak ako.
“Wag ka na umiyak. Aalis na ko. Gusto ko masaya lang lahat.”
“Hindi ka na ba galit sa akin?”
“Kailan ba ko nagalit sa’yo?”

and with those final words, he slowly vanished in front if my eyes like a dust in the wind.
Hinahabol ko pa sana yong tiny particles niya. Bubuuin ko pa sana ulit pero ayaw na niya bumalik.

Gumising ako n’on na umiiyak. I feel so much better and I know that he’s leaving with all the love he had given to us. Until his last moment with me, he still saved my pride.
With pure love and intention, I vowed to write a story for Oliver. He knows about my fascination with books and romance tapos sabi niya, sana balang araw pangalan niya naman ang nasa pahina ng mga libro.

I promised that in his grave kahit hindi ko alam kung kaya kong sumulat.
Pero mahirap pala talagang sumulat. I even joined a workshop 3 yrs ago pero hindi ko pa rin nagawang gumawa kahit na anong kwento. Ang galing ko lang talaga magsalita pero hindi ko kayang tumapos.

Frustrating, mahal ko pa rin ang pagbabasa di na nga lang ako umasa sa pagsusulat.
Until 2 weeks ago — itong mga pokie kong friends, inaasar ko lang sa gc, sinulsulan akong sumulat. Trip trip lang sana kaso binigay nila yong pangalang Ollie.

Isip ako ng isip kung anong pangalan ang pwede kong ibigay kay Ollie, tapos biglang pumasok sa utak ko si Oliver.
NAKATULOG AKO TANGINAAA!!!
Tuloy ko kasi wala pa yong hinihintay niyo 🤣🤣🤣

Wala pa akong plot n’ong nag-aasaran kami. Una, hindi pa ko masyadong decided kung itutuloy ko. Pangalawa, hindi ako naniniwalang matatapos ko. Pangatlo, anong alam ko sa ganito?!
Nagsimula lahat sa pag-iisip ko ng magiging pangalan ng characters ko. Gusto ko kasi sana kilala ko na sila sa pangalan bago ko sila ilabas. Ganon naman talaga ginawa ko, sa totoo lang, hindi ko sinimulan yong 1 na hindi ko buo mga pangalan nila. Name lang yon, di pa character.
; Si Ollie ang pinakahuli kong naisipan ng pangalan kasi hindi talaga ko maisip. Lahat ng kasama niya may pangalan na pero siya hanging pa din. Hanggang sa naalala ko si Oliver nga. Hindi ko alam kung coincidence o sadyang pinaalala lang sa akin ang pangako ko noon kay Oliver.
I made a promise then, sa mga kaklase ko, kapag ako nakapagsulat na na kung hindi si Oliver ang bida, I will dedicate my first book sa kanya. Walang iba maliban sa kanya. He was gone too soon. And like what I promised 7 years ago, here it is, I finally fulfilled it for you.
Sabi ko nga, kung gaano kalabo yong plot ko, ganoon ka-solid yong plot ko for Ollie. Right after I remember him that night, I came to a decision that no matter what happen I will make everyone love Ollie as much as how we love the rl Oliver Morris.
What’s the solid plot for Ollie? — Him, being out of the picture in the most unexpected way. Like how God take him away from his loved ones before. Biglaan, masakit, mahirap tanggapin.

How solid? — 90% bakit di full, because this past 2 wks have been so hard on me.
Making Ollie lovable the way he is, ako mismo ayaw siyang pakawalan. Every single day, I constantly question my decision if I will really take him out or I will give him a life, life that he never had a chance to survive longer. Araw-araw akong naguguluhan, pero ito na siya.
It was one of the toughest decision I have to make while writing FYMDA. If I will give him a life, he will have the things na nawala sa kanya mula ng mamatay siya. But, kung papatayin ko siya, it’s close to his reality?? Im srsly fckngly torn for heaven’s sake!!!
Ang pinakaacceptable lang, para sa’kin, na rason... I want him to be loved the way he is, katulad sa totoong buhay. He died without a girlfriend, in my story he will be gone without a partner as well. Mas masakit kasi kung mas marami siyang maiiwan, kung may gf na maiiwan mag-isa
Aga aga ang drama. Sa pm niyo na lang ako itanong hahahahahaha 🤣🤣🤣

— end of thread —
You can follow @indayebadidaye.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: