Reflection for @vicegandako's vlog, a thread;
Okay lang na maging mahina, dahil ika nga nila "tao lang naman tayo". Hindi natin kaya ang lahat ng bagay. Makakaranas tayo ng saya, ng lungkot, ng hinagpis, ng sakit, ng panghihinayang at ng pagsisisi. Bagama't sa gitna ng mga ito, nariyan lamang SIYA upang tayo'y gabayan.
Nariyan si LORD upang tayo'y matulungan sa ating mga hinaharap na dagok sa buhay. Nariyan si LORD upang tayo'y magabayan sa kung ano ang dapat nating gawin upang malagpasan ang ating mga hinaharap na problema.
Nariyan si LORD na nagsasabing "Kaya mo iyan anak hindi ka kailanman mag-iisa, dahil NARITO lamang ako sa iyong tabi."
Darating tayo sa punto na kukwestyunin natin siya dahil sa mga nangyayari sa atin. Pero, mare-realize rin natin na, "Hindi naman ibibigay ni LORD 'to kung alam niyang hindi natin kayang lagpasan." "Hindi naman ibibigay ni LORD 'to kung walang solusyon."
Lahat ng mga nangyayari sa atin ay nakaayon sa PLANO NI LORD. At ang kailangan lang nating gawin ay ang MAGTIWALA SA PLANO NI LORD.
Huwag nating hayaang mangibabaw ang TAKOT o kung ano man sa atin. Dahil mas MALAKAS pa rin ang PANANAMPALATAYA NATIN SA KANIYA. Tayo'y manalangin lamang sa tuwing nakararamdam tayo ng kung ano man, NARIYAN LAMANG SI LORD ANO MANG ORAS, HANDA SIYANG MAKINIG PARA SA ATIN.
-End of thread-
You can follow @CutieAngelMo.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: