moving on is a process a thread;

(im not posting this for everyone to see but for me to remember what I've experienced for the past 3 years, i'll delete this one after the last twt thanks)
3 years ago, we broke up. and I lost myself.
Graduating ako, pero hindi ko na maalala na nakapagfocus ako that time noon sa acad because yeah I lost myself.
I remember that time, I was the dumbest person you'll ever know, why? because I kept begging to that person to stay... with me.
that person already accused me of being obsessed and all. yeah, that's when I started to lost myself. hindi ko na kilala ang sarili ko kasi pakiramdam ko tama lahat ng binibintang niya.
every morning, hindi pwedeng babangon ako ng hindi umiiyak. sa school, kinakailangan ko pumunta ng cr just to cry kasi nahihiya ako sa friends ko. every night, before ako matulog iiyak nanaman ako. naging habit ko na ata noon na umiyak
nakalimutan ko na ng tumawa ng totoo. everyday mabigat sa loob ko ang ngumiti at tumawa
hindi ko masabi sa bestfriends ko yung nararamdaman ko kasi natatakot ako. natatakot ako na sabihin nila na tama sila. na hindi naman talaga siya good for me. for my mental health.
kasama niyang nawala, yung totoong ako.
walang nakakaalam ng nararamdaman ko. yung everyday, ayoko ng gumising kasi ang bigat lang sa pakiramdam yung magoverthink araw-araw. wala akong masabihan at makausap kasi di ko alam kung paano i-eexplain yung nararamdaman ko. natakot ako kaya iniwasan ko silang lahat.
iniwasan ko yung bestfriend ko na umintindi sa bawat iyak ko kasi natatakot ako. and at the same time nahihiya. kasi feeling ko pabigat na lang ako sa kanila.
as the time goes by, I already forgot how to be happy... for real. siguro dahil dinepende ko yung happiness ko sa taong pansamantala lang?
mabilis matrigger yung memories ko with that person sa simpleng fic lang nababasa ko or sa movies na napapanood ko. kapag may nakakausap ako na common friend namin, siya din naalala ko.
then that time, ang favorite song ko? Six Degree of Separation by The Script. kasi parang ikinanta yung buong nararamdaman ko. (pakinggan niyo pls ang ganda ng song)
that's when it started. yung stages of moving on ko.
first stage: denial

I still kept on begging to that person (tanga 'no?) to stay. araw-araw, umaasa pa rin ako na baka kinabukasan magbago isip niya at balikan ako. umaasa pa rin ako na baka sakali.. magkakaayos kami.
everyday, sinusubukan ko tawagan siya kahit pinapatayan na lang niya ko ng phone. hindi ko pa rin kasi matanggap.
then the second stage happened: anger

gusto ko siyang murahin harap-harapan dahil sa pagsira niya sa buong pagkatao ko. yung pagsira niya not just emotionally but mentally. gusto ko lang naman ng sagot. bakit? bakit bigla na lang siyang "na fell out of love"? why?
ang daming questions na gusto ko sagutin niya. pero tinapos lang niya sa "Ayoko na." galit na galit ako gusto ko lang naman ng sagot eh.
then third stage came: bargaining

ang daming what ifs na pumasok sa isip ko. yung mga regrets and all. I begged God to take away the pain 'cause I'm tired. I'm tired of crying. I'm tired of asking WHY tapos wala naman nakukuhang sagot.
I'm tired of breathing. I felt tired of living. I just wanted to end my life. That night. I was about to end it. Just to take away the pain. I'm about to end it. But I saw a post on fb. A verse from the bible.
a verse that until now is my saving grace
and that was my fourth stage: depression

Hindi lang isang gabi ko sinubukan tapusin ang lahat. Kasi pagod na ko makaramdam. Lagi lang akong tulala. Lalo na sa school. Paguwi ko, sa kwarto ang diretso ko tapos iiyak lang ako hanggang sa makatulog.
After ko makagraduate, naghanap agad ako ng work kahit sabi ni Mama magpahinga muna ako kasi 18 years akong nagaral. Pero pinilit ko maghanap ng work kasi gusto ko madivert ang attention ko sa ibang bagay. Kasi kahit isang taon na ang lumipas. Siya pa rin ang iniisip ko.
Hindi ko na ata nagawang magenjoy. Gusto ko laging nakasubsob sa work kasi ayokong naalala siya. Ayokong magisip. Hindi na ko nagkaron ng social life kasi ayoko na nga makipagusap sa kahit sino.
2 years. 2 years na ganon ang set-up ko. Then 2019 came.
Sobrang late na, I know. But my fifth stage happened: Acceptance

Idk kung kelan nangyari pero napansin ko na lang na tumigil na yung pagiyak ko every night.
Nakakangiti na ko ng hindi mabigat sa loob ko. Nakakatawa na ko ng walang iniisip.
Gumaan sa pakiramdam noong natutunan ko mahalin ang sarili ko. Tanggapin na hindi talaga siya para sakin at kaya ko maging masaya ng ako lang
Kapag nakakapagbasa ako ng mga fic or nakakanood ng movies na may connection sa kanya, hindi na ko naiiyak. Actually, hindi ko na nga siya naaalala eh.
When I started to accept na hindi na kami babalik sa dati, gumaan ang pakiramdam ko. When I started to love myself, nakontento ako.
When I started to accept my flaws and my mistakes, sumaya ako.
Narealize ko, hindi naman talaga lahat ng tao nagsstay. Hindi lahat sila meant to stay in your life. Kahit gustuhin mo pa. There are things/people na mawawala sa buhay mo at kailangan mo tanggapin yun to move forward.
Hindi mo dapat dinedepende ang happiness mo sa isang tao kasi hindi mo hawak ang desisyon nila in life. Kung magagawa mo mas mahalin ang sarili mo, kahit umalis pa yung taong nakapagpasaya sayo, kakayanin mo. Kasi alam mo you can stand on your own.
To that person, thank you for giving me so much pain that time. Narealize ko kasi kung di ko naramdaman yun sayo, baka wala ako sa situation ko ngayon. Payapa at kontento na.
Payapa in a way na hindi na ko natatakot gumising kinabukasan kasi alam ko may mas magandang mangyayari sakin. Payapa in a way na masaya na ko sa maliliit na bagay na nabibigay sakin. Kontento na ko. I'm happy.
Thank you din kasi kung hindi dahil sayo, hindi ko makikilala ang BTS. Why? Kasi sila ang naging takbuhan ko noong iniiyakan kita gabi-gabi. Kumakalma ako kapag napapakinggan ko sila. I learned to love myself because of them.
Noong nagawa ko mahalin ang sarili ko, nagawa ko rin itigil na habulin ka.
Salamat sa sakit. I can finally say that I moved on from you and the pain you gave me 3 years ago. Kahit wala akong nakuhang apology from you. Tinanggap ko. Tinanggap ko na tapos na.
To my self, I'm proud of you. Kinaya mo kahit magisa ka lang. Kahit mag-isa ka lumaban kasi ayaw mo maging pabigat sa ibang tao. Thank you for figthing alone. Congrats, kasi natapos mo. Natapos mo yung process na yun. Kahit mahirap. Salamat.
This will be the end of the thread. I'm sorry kung ang drama ko. Narealize ko lang kasi kanina, sobrang gaan ng pakiramdam ko. Hindi na ko nagooverthink ng mga bagay-bagay. Ang saya pala. Anyways, I'll delete this thread later. Byeee
You can follow @leirahlovesyou3.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: