MGA BHIEEE NAIINIS TALAGA AKO SA NANAY KO.

Dapat may pupuntahan akong debut ng close friend ko 4pm ang time niya. Sabi naman ng nanay ko, sama daw kami sa kanya dahil daw may pa despedida daw yung close friend niya at mabilis lang daw kami, hanggang 3 lang daw yun. ++
tapos shempre pumayag naman ako, kasi nga hanggang 3 lang naman at malapit lang naman yung pupuntahan naming lugar so makakahabol pa ako. Umalis kami sa bahay mga 10 something na at nakarating kami sa bahay ng close friend niya ng mga 10 mins before 11. ++
So ayun, nakipag kamustahan, tamang lamon lang ng mga handa ganern LOL, tapos nagsabi si mama, mga 3 daw uuwi na kami, uubusin lang daw nila yung iniinom nilang isang bote ng alak, kaya ayon nagsabi na ako sa pupuntahan ko ng debit na baka malate ako punta ++
Then dumating na yung 4pm, hindi pa rin tapos sina mama uminom, Sabi ko "Ma, anong oras na, baka hindi ako makahabol" sabi niya, sandali na lang daw.

Hanggang sa pumunta sila sa bahay ng kapatid ng close friend ni mama. umabot na ng 5, hindi pa din nakakabalik sina mama. ++
Kaya pinuntahan ko na yung bahay ng kapatid ng close friend ni mama, Nang maabutan ko, ayun, kumakanta pa si mama, Sinabihan ko na male late na ako sa pupuntahan ko, Sabi niya isang baso na lang daw ng beer yung iinomin niya, uuwi na daw kami. ++
Dumating na lang yung 6pm, hindi pa din kami nakakauwi, Mula sa sinabing 3pm naging 6pm na. Hindi pa din kami nakakauwi nun, sabi ng isa kong naka chat na tropa. Nakauwi na daw silang lahat. ++
Nalungkot ako mga bhiee, kasi shempre nangako ako sa tropa ko na aattend ako sa debut niya, kaso kung hahabol pa ako ngayon, baka mahuli pa ako ng curfew kaya hindi na lang ako, tumuloy. ++
Hanggang ngayon, nasa bahay na kami, Naiinis pa rin ako.
Don't get me wrong mga bhie ah, I love my mom, ayaw ko lang talaga yung drinking habits niya, na pag inom talaga, inom talaga, It's just na nakakaworry lang at the same time nakakainis.
Maybe that's the reason why I hate drinking alcohol because I know how it affects my mom, Even my friends pinipilit nila akong uminom ng alak, pero ayaw ko talaga mga bhiee.
Ayun lang ang rant ko mga bhiee, wala akong mapaglabasan ng sama ng loob, dito lang sa twitter.

I still feel bad at my friend kasi, nangako ako sa kanya na pupunta ako, pero ako hindi ako nakapunta.
Gonna delete this thread later.

Anyway, thank you for listening for my rant.
You can follow @queenheeyonie.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: