I lost her.

~A thread
I have a partner let's call her Laisa.
Mabait sya sweet, mapagmahal, maalagain at maganda syempre.
And we also have a cute and beautiful baby girl. Her name is Lysandra.
I love them both syempre pero marami akong pagkukulang sa kanila isa isahin natin.
Wala akong trabaho noon hindi ko maibigay luho nya nung buntis palang sya
Hindi lang yon, nagagawa ko pa syang lokohin non
And nagagawa ko din syang saktan
Physically, emotionally and mentally nagagawa ko syang saktan
Umaabot pa sa point na nagkakapasa sya
But still, she stay beside me
Nung nalaman ng parents nya na buntis sya nagalit sila
But she still choose me, pinaglaban nya ko
Pero paulit ulit parin yung ginawa kong pananakit at panloloko sa kanya
Hindi nya parin ako iniwan hanggang sa manganak sya
At lumabas na nga si Lysandra, our baby girl.
Akala nya magbabago na ko pero niloloko at sinasaktan ko parin sya, tanga ko diba?
But still hindi nya parin ako iniwan
Kung tutuusin from the start dapat iniwan na nya ko pero nagstay parin sya dahil mahal nya nga ako
Hindi ko naappreciate lahat ng efforts at sacrifices nya para sakin, samin ng anak namin.
Sya yung nanjan pero naghahanap pa ko ng iba
I'm so lucky to have her.
Pero sinamantala ko yon.
Porket alam kong mahal nya ko ginawa kong advantage yon para saktan at lokohin sya.
Naging kampante ako eh sobrang bobo ko.
Maraming beses na binlock ko sya sa lahat ng social medias ko.
Pero dahil mahal nya ko gumagawa sya ng paraan para makausap nya ko.
Nagmamakaawa sya nag effort para makipag ayos
Nirereject ko sya lagi minumura, pinagtatabuyan.
Nagawa ko din syang ipost sa facebook groups. Syempre napahiya sya.
Kung tutuusin pwede na nya ko ipakulong sa mga ginawa kong kasalanan sa kanya.
Pero hindi nya ginawa, co'z she love's me so much.
Pero dahil manhid nga ako wala lang din para sakin yung mga ginawa nyag effort
Hindi sya bumitaw as in hindi talaga.
Until one day, nangyari yung araw na kinatatakot ko.
Binlock nya ko sa social media accounts nya.
At dahil tanga nga ako binalewala ko parin.
Hindi ko parin sya sinuyo, wala akong ginawa.
Kasi alam kong hindi nya ko matitiis.
To be continue~
~Continuation
Pero nagkamali ako.
Natiis na nya ko.
Hindi na sya gumawa ng paraan para makausap ako.
Kaya nya pala ako tiisin
Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala kaya.
Ayoko mawala sya, sila ng anak namin.
So ako naman ang gumawa ng paraan para makausap sya.
Pero lahat ng ginawa ko sakanya noon sya naman ang gumawa ngayon sakin
Gumawa din ako ng panibagong social media accounts
Pero tulad ng pang bblock ko sa kanya noon ganon din ang binalik sakin.
Ngayon ako nakaramdam ng sakit.
Yung sakit na pinaramdam ko sakanya noon doble ng nararanasan ko ngayon.
Hindi ko din naman sya masisisi.
Lahat nagsasawa.
Lahat napapagod.
Siguro narealize nya na hindi sya dapat magpakamartyr sa isang tulad kong tanga.
Hindi ko na alam gagawin ko, kung pano ko ba sya masusuyo.
I think this is the sign na wala na talaga, napagod na sya.
Pero gumawa parin ako ng paraan, pinuntahan ko sila.
Nung pagkakitang pagkakita ko palang sakanya gusto ko na agad sya yakapin, but I can't. Nahihiya ako.
Namiss ko yung baby namin na almost 2 months kong hindi nakita.
Then nag usap kami. Nagconfess ako sakanya.
Tulad nung ginawa ko sa kanya nireject nya ko.
Nagmakaawa ako.
Nagpakumbaba.
Pero wala na talaga.
Hindi ko sya masisisi. Tsaka wala syang kasalanan.
From the start kasalanan ko lahat.
Sa loob ng 16 months na panloloko at pananakit ko sakanya talagang hindi na nya ko mapapatawad.
Miss ko na yung mga araw na masaya pa kami.
Miss ko na yung amoy nya.
Miss ko na yung araw na buo pa kaming 3.
Miss ko na pang aasar nya.
Imiss her cuddle.
Imiss her sweetness.
Imisss her hugs.
Imiss her kisses.
Miss ko na yung buong sya.
I really miss her so much!
Kaya kahit masakit kailangan nalang tanggapin.
Na hanggang miss nalang ang lahat, tanga mo kasi Steve.
Sinamantala ko yung kahinaan ng babaeng mahal na mahal ako.
Ngayon wala na kong babalikan. Wala na sya.
Now she's attracted to another guy.
Don't judge her dahil wala naman syang kasalanan. Baka dun nya nahanap yung mga pagkukulang ko sa kanila noon.
Masakit man, but I'm happy for her. Na wala na ko sakanya.
Masaya ako dahil masaya ka na kahit hindi na ako yung dahilan ng kasiyahan mo.
Mahal na mahal kita, hindi ko lang talaga naiparamdam sayo.
Ngayong handa na ko magbago wala ka naman na kaya magbabago nalang din ako para sa sarili ko.
Mahal na mahal ko kayo Laisa at Lysandra. Iloveyou both! Sobrang tanga ko lang. Ngayong wala na ko I know your'e both happy, wala na yung lalaking magpapahirap sainyo Imiss the both of you.
I did't wrote this thread para kaawaan or ibash nyo ko. Aral lang to sa mga katulad ko.
Kaya sa mga kapwa ko lalaki jan. Pag alam nyong mahal na mahal kayo ng partner nyo love them back iparamdam nyo sa kanila yung halaga nya at pagmamahal nyo. Wag nyo samantalahin yung kahinaan nila kasi pag yan nagsawa yan tandaan mo wala ka ng babalikan.
Kaya hanggat mahal ka pa nya mahalin mo rin sya bigyan mo ng time, So I guess bye na masyado ng mahaba.
Steven is now signing off.
The end~
You can follow @StevenlLarsAxl.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: