dalawa lang kami noon ni lola na naiwan sa bahay dahil hindi pa nakakauwi sila mama gawa ng malakas na ulan. ayos lang sakin dahil kaya ko naman siya alagaan. napakain ko na si lola ng hapunan. napalitan ko na rin siya ng damit at napunasan. malamig kaya...
...bawal muna maligo si lola sabi ng doktor. hindi tumitigil ang buhos ng ulan. paminsan-minsan ay may kidlat na biglang pupunit sa langit at saglit na liliwanag ang kwarto ni lola. sunod nito ang isang tila dismayadong kulog na napapatakip ako ng tenga sa lakas.
hindi ito napapansin ni lola. ang kidlat. ang kulog. marahil dahil sa kalagayan ng kanyang isipan sa ngayon. 86 na ang lola, malakas pa ang pangangatawan ngunit humina na ang isipan niya. minsan para siyang bata. minsan naman ay tulala.hindi pansin ni lola ang kidlat.ang kulog...
...pero bakit kaya napansin niya ngayon ang ulan?
“hannah, apo...” ang sabi niya na ikinagulat ko. kilala niya ako ngayong gabi. sa sobrang tuwa ko ay yumakap ako kay lola.
“yes lola! magbabanyo ka po ba?”
“hindi, hindi apo. kung maaari sana ay itayo mo ako at uupo ako sa may bintana. nais ko panuorin ang ulan”
“yes lola! magbabanyo ka po ba?”
“hindi, hindi apo. kung maaari sana ay itayo mo ako at uupo ako sa may bintana. nais ko panuorin ang ulan”
nakakapagtaka. pero masaya ako na malinaw ang isip ni lola ngayong gabi. malapit na pa lang mag 11pm. tinulungan ko siyang tumayo at inalalayan paupo sa kanyang upuang tumba-tumba. sa tabi ng bintana.
kumidlat muli. isang mabilis na pagbubunyag sa liwanag. parang nakita ko ang lolang ngumiti. o baka dala ng silaw.
“salamat apo. maaari mo ba buksan pa ang bintana? gusto ko sana maramdaman ang malamig na hangin at tilamsik ng ulan”
“ay sige po lola, pero huwag masyado papabasa dahil malamig, ha?”
“ay sige po lola, pero huwag masyado papabasa dahil malamig, ha?”
sobrang lamig nga naman talaga. ang kwarto ng lola ay malaki at maluwang. napuno ito ng malamig na hangin mula sa labas nang buksan ko ang bintana.
“lola heto ang kumot dahil masyado po malamig...”
“apo, alam mo ba bakit lumalamig tuwing umuulan?”
“lola heto ang kumot dahil masyado po malamig...”
“apo, alam mo ba bakit lumalamig tuwing umuulan?”
kakaibang tanong ng lola. pero nakakausap ko siya nang malinaw kaya natuwa ako.
“opo. napag-aralan namin yan lola. bumababa po kasi ang temperatura ng paligid tuwing umuu...”
“mali”
“opo. napag-aralan namin yan lola. bumababa po kasi ang temperatura ng paligid tuwing umuu...”
“mali”
“po? yun po kasi ang turo sa amin lola. hehe. ano po ba sa palagay niyo?”
panandaliang katahimikan. tanging patak lang ng ulan na tila mga maliliit na paang nagmamartsa at tunog ng kahoy ng tumba-tumba ang maririnig.
“dahil takot sila sa ulan, apo.”
“huh?”
panandaliang katahimikan. tanging patak lang ng ulan na tila mga maliliit na paang nagmamartsa at tunog ng kahoy ng tumba-tumba ang maririnig.
“dahil takot sila sa ulan, apo.”
“huh?”
umihip ang basang hangin mula sa bintana at muling nagyelo ang silid. muling nagsalita ang lola.
“takot sila sa tubig na mula sa langit. kaya kailangan nilang sumilong muna at magpatila ng ulan. sumilong dito sa loob...”
“lola? sino pong sila?”
“sila...”
“takot sila sa tubig na mula sa langit. kaya kailangan nilang sumilong muna at magpatila ng ulan. sumilong dito sa loob...”
“lola? sino pong sila?”
“sila...”
lumingon si lola at sa pagpihit ng ulo niya ay sumabay ang isang matalim na kidlat. saglit na liwanag ngunit sapat na para makita kong puno ng mga tao ang silid ni lola. tao. hindi, hindi siguro. hindi ko alam. may mga mukhang tao. may mga hindi.
magkakadikit sila. siksikan. may mga nasa kisame nakadikit. may mga lumalabas sa dingding. matatangkad. maliliit. may mga gumagapang at lumulutang. may mga nasa ilalim ko at natatapakan. mga kulay abo na tila nag-iiba ng kulay sa liwanag. ng hugis. ang dami nila. at malamig
pinawi ang liwanag nang matapos ang kidlat. nakapikit na ako noon. sa takot. narinig ko si lola.
“kaya malamig, hannah. kasi nandito sila”
“lola...natatakot po ako...sino po sila...ano ang...”
“sshh...apo...huwag ka matakot...”
“kaya malamig, hannah. kasi nandito sila”
“lola...natatakot po ako...sino po sila...ano ang...”
“sshh...apo...huwag ka matakot...”
nakapikit pa rin ako ngunit dinig ko ang tinig ng lola na lumapit sa akin nang mabilis, umangat sa ibabaw ko, umilalim at matapos ay narinig ko siya sa aking kaliwang tenga.
“sshh...mabait kong apo...”
“sshh...mabait kong apo...”
muling kumidlat. muling lumiwanag. napadilat ako sa gulat at sa silaw kong mga mata ay nakita ko ang ngiti ni lola. ngunit...
...matagal nang walang mga ngipin ang lola ko.
pumikit ako muli. malamig. sobrang lamig.
pumikit ako muli. malamig. sobrang lamig.