2.4 GHz vs 5 GHz WiFI networks (a thread)

Usually, 2.4 GHz frequency ang ginagamit ng wifi routers natin. Pero may mga routers na ngayon na ginagamit parehas yung 2.4 GHz at 5 GHz.
Bakit 2.4GHz yung frequency na madalas ginagamit?

Kasi okay siya sa malayo at tumatagos din sa mga pader (and other solid objects). Eto rin yung sinusuportahan ng karamihan ng devices sa ngayon.
Ano naman ang disadvantage sa paggamit nung sa 2.4 GHz?

Karamihan ng wireless devices natin (WiFi, microwave, cordless phones, wireless keyboard/mouse, Bluetooth, at madami pang iba) ay gumagamit nitong frequency na ito.

Mas mabagal din dito (‘coz lower frequency)
Ano naman epekto nung ibang wireless na gamit sa WiFi (sa 2.4 GHz)?

Isipin natin na yung isang frequency band (2.4GHz band) ay isang highway. Tapos sa isang highway, may mga lanes. Lanes = Channel (maliliit na parts ng isang band).
Kapag madaming sasakyan (users/devices) sa isang lane, magkakaroon ng traffic. So lilipat yung ibang sasakyan sa kabilang lanes. Pero kung puno na lahat ng lanes, magiging slow moving (to standstill) yung mga sasakyan.

Ang total channels sa 2.4 GHz WiFi ay 14 lang = 14 lanes.
Idagdag din natin na mas malaki yung coverage area ng 2.4 GHz. So kung madaming devices sa paligid, mas maraming mag-aagawan sa space (o “airtime”).

Real life example, check mo yung mga nade-detect na WiFi networks ng phone mo. Kapag madami yan, edi crowded yung 2.4 GHz. Sure.
So ano naman yung 5 GHz?

Yung band na ito ay hindi masyadong ginagamit kasi mas maliit yung coverage niya at hindi ganun nakakapenetrate ng walls.

Also, kung ang number of channels ng 2.4 GHz ay 14, ang 5 GHz ay may 24 channels*.
Following the same illustration above, mas ideal gamitin ang 5 GHz kung crowded na ang 2.4 GHz band.

Pero, with 5 GHz, isa-sacrifice mo yung coverage for speed. Also, may mga devices na hindi supported yung 5 GHz na WiFi. So check your devices first.
For this thread, yung basis ko eh yung specs hanggang WiFi 5. Since may WiFi 6 na, mayroon daw optimizations na ginawa para mas efficient yung paggamit ng 2.4 GHz na band.
You can follow @amielitow_.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: