INGGIT AKO SA ATE KO.

- a thread. ♥️
Nakakainggit si ate. Super. So merong isang guy na classmate ni ate since highschool. He's kuya L. Mayaman, mabait, matalino and parang alam lahat ng bagay haha. May gusto siya kay ate. While Kuya L is falling in love with my ate, my ate is falling inlove with someone else.
If I am kuya L, baka nagmove-on na kaagad ako. Pero si Kuya L, hindi. Minahal niya pa rin si ate kahit na hindi naman sya mahal ng ate ko. Pasulyap-sulyap kay ate ng palihim. Ayaw umamin kasi alam niyang wala naman siyang pag-asa kay ate.
Hanggang sa dumating yung time na nasaktan si ate kasi marami pala silang pinagsabay-sabay nung gusto niya. Unang beses na nagmahal si ate, unang beses ding nasaktan. Simula noon, hindi na ulit nagmahal si ate.
Nagfocus si ate sa studies. Class Salutatorian nung High School, grumaduate ng college, BS in Civil Engineering. Nagtake ng boards, pumasa. Registered Civil Engineer na si ate ngayon. Sobrang nakakainggit.
Sa mga panahong yun, si Kuya L, minamahal pa rin si ate. He is so proud sa lahat ng achievements ni ate. Kinukulit-kulit si ate sa chat. Pero hindi niya pinursue si ate.
Naalala ko during those times na nagrereview si ate for boards, si kuya L yung nagpapagaan ng loob niya since kinakabahan si ate na baka bumagsak siya. He's always there for ate para sabihing "Kaya mo 'yan!"
Nung labas na ng results, si Kuya L pinakaunang nagcongratulate kay ate. Inabangan niya rin yung results nun. Sobrang nakakainggit. Super kaba si ate sa results nun kaya ayaw icheck ni ate tapos bigla siyang binati ni Kuya L ng "Congraaaatttulaations Engineer!"
Engineering course din kinuha ni kuya L. Sa Mapua. Sadly, bumagsak siya kaya imbes na 5 years lang, naging 6 years siya. So dapat sabay sila ni ate gagraduate pero ang nangyari, nauna si ate.
Parang nadown si Kuya. Feel niya ang taas taas na ni ate. Tapos siya wala pang napatunayan. Kaya nahiya siya kay ate. Di niya na kinulit si ate sa chat. Basta tinigilan niya si ate.
Pero syempre marupok si Kuya kaya kinulit nya pa rin si ate hahaha. Pero lowkey na lang. Syempre yung ate ko marupok din, edi nagustuhan niya si Kuya L.
Sa ngayon, 10 years ng mahal ni Kuya L si ate. Hindi niya pinupursue si ate kasi gusto niya, ipursue niya si ate kapag Engineer na rin siya.
Nakakainggit kasi di sila nag-uusap ni ate, di sila nagkikita. Alam mo yun wala talagang communication. Pero alam nila na love nila yung isa't-isa.
May time na nainsecure pa si ate sa mga may gusto kay kuya kasi hindi naman daw siya kagandahan. Pero si Kuya L, he really love her. Di niya niloko si ate kahit wala namang sila hahahaha.
Sa 10 years na yun, ang daming chance ni Kuya para ipagpalit si ate, pero di niya ginawa. Walang communication pero di pinagpalit. Nakakainggit.
May mga nagsasabi kay ate na, "Wag ka diyan panget naman yan." I can say na hindi man kagwapuhan si kuya, pero he is kind-hearted. Seryoso siya sa ate ko. Maganda ang intensyon niya sa ate ko.
Sa ngayon graduating na si kuya and syempre abangers ako sa love story nila ng ate ko. Si ate kasi nagkukwento sakin kaya ayern naiinggit tuloy ako HAHAHAHA
Gusto ko lang sabihin sa inyo na darating din sa inyo ang sarili niyong Kuya L. Yung handang maghintay sa inyo kahit gaano pa katagal. Yung hindi kayo lolokohin at mamahalin kayo ng todo todo. In God's perfect plan and perfect timing.
Naiinggit ako kay ate, pero I know na God also have better plans for me just like how He write my sister's own love story. Let God be the author of your own story.

- end of thread. ♥️
You can follow @m4raming4sawa.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: