Filo writers, open this thread.
Alam niyo 'yung pakiramdam na bigla kang maiinggit sa ibang manunulat na ang daming nagbabasa ng mga gawa nila, ang daming magagandang feedbacks, ang daming nag-momotivate sa kanila magsulat kapag nawawalan na sila ng gana, ang daming naghihintay ng updates.
'Yung masasabi mo nalang na ano kaya feeling na ma-motivate magsulat ng updates kasi alam mo na ang daming naghihintay sa'yo? Kasi aminin na natin, talagang naramdaman na natin 'yan— mararamdaman at mararamdaman natin 'yan along the way. Kahit naman siguro 'yung mga successful++
na writers, naramdaman 'yan? Minsan malulungkot tayo. Kasi oo, alam naman natin na 'di lang tayo nagsusulat para sa iba, nagsusulat tayo kasi gusto natin 'to. Kasi dito tayo masaya... pero minsan mahihiling natin na sana meron ding mga tao na naghihintay ng updates natin++
Na sana katulad ng iba, iingay din bigla 'yung notifications natin kasi ang daming comments, may feedbacks, may votes. Kasi aminin man natin o hindi, gusto rin natin 'yan. 'Di ba? Gusto natin maramdaman 'yung appreciation matapos natin gawin 'yung bagay na gusto natin.
But hey, we'll get there. Someday, we'll experience those things! Pero sa ngayon, tayo muna ang mag-appreciate ng mga gawa natin. Be your number one fan. 'Wag kang hihinto dahil sa ganyang nararamdaman, okay? And always remember this, love.
ONE reader is still a reader. ONE follower is still a follower. So don't stop doing what you love. Enjoy the journey. Wala naman sigurong tao na kakasimula mo lang, successful ka na agad? Mas worth it naman siguro kung ang dami mong matututunan bago mo marating 'yung success.
Kung napapagod kang mag sulat, then take a break. You deserve it. Write when you want to write, and take a rest when you need to. Kahit isang linggong break pa 'yan, isang buwan— o isang taon, writer ka pa rin. So don't worry, okay? Take your time.
Rest BUT don't quit. Dadating din 'yung point na gigising ka at gusto mo ulit magsulat. Kaya 'wag ka ma-guilty kung wala kang maisulat, mas mahalaga 'yung mental health mo. Don't frustrate yourself. Okay lang 'yan.
I once saw this somewhere, but don't find your readers— because the right group of people will find you. One can turn to ten, ten can turn into twenty, and those twenty can turn into plenty. Enjoy your journey. Don't rush things. Hangga't nandyan pa 'yung will mo magsulat++
Be thankful. Doon pa lang magpasalamat ka na. Appreciate your own works. Write on your own pace. Your efforts will pay off. Trust me, you will, someday. We will. You're doing great. So don't give up because YOU are bound to rise higher. I love you. Keep on writing.
I wrote this because I was feeling insecure aha and wanted to quit writing :3 so I thought, oh, if I can comfort others, maybe I can do it to myself too. And idk, while writing this, Im feeling better... bit by bit. May napaparealize ako sa sarili ko hahaha. Kung medj magulo++
Sorry. I was just expressing myself thinking that I'm comforting myself since I don't want to open up sa iba hehe. So hey you, wag ka magstop ah? Kahit saan pa yan. Drawing, dancing, singing, etc. Kung dyan ka masaya, wag ka magququit. I love you. You can dm me if u need support.
— End. —
https://twitter.com/starhjns/status/1301461401526042624?s=19
You can follow @leihvanter.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: