Dahil mag aalas dose na at hindi parin ako makatulog iiwan ko nalang dito ang limang bagay na gusto ko sa gy shift
1. Streetlight. Ang gaganda ng mga ilaw pag gabi plus the fact na walang tao sa kalsada which is another yes for me. Moment moment lang sa likod ng shuttle na parang tanga kaya naeenjoy ko byahe papasok ng trabaho.
2. Morning breeze. Sarap umuwi ng maaga lalo pa may fog (haha) dahil ber months na. Di mararamdaman yung pagod at stress sa trabaho. Well, di naman talaga ganon kastress pag gabi dahil mababait mga tao pwera nalang pag kashift ko yung mayabang na kinulang sa aruga #cerocks char
3. Comfort Room. To talaga solid. May comfort sa comfort room pag gabi. Malinis ang banyo kahit na mas maraming beses umiihi ang tao pag gabi dahil mas malamig syempre. Malaking bagay to pag nagtrabaho ka.
4. Less human interaction. No explanation needed.
5. Breakdowns. mas naiiwasan ko magbreakdown pag gy since nasa trabaho ako pag gabi naiiwasan kong maramdaman yung lungkot, pressure at dissapointment na nararamdaman ko while writing this thread. Ewan kung ganto rin sa iba pero sa experience ko di ako masyadong nagdwell sa mga
negative emotions na to. Isang dahilan siguro ay may satisfaction akong naramdaman at mas naenjoy ko ginagawa ko, since mas produtive ako pag gabi (chos), na wala o matagal ko ng di naramdaman simula grumaduate ako.
You can follow @vaaalaanaaa.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: