Di ko maiwasang isipin na kinawawa talaga kami ng dent. Pag binabalikan ko yung mga araw na lahat kami tig 2-3 hrs lang tulog. Kada buwan na nakaka 15 exams sunod sunod. Tapos makikita mo na lang mga kaibigan mo na umiiyak kada tapos ng laboratories. Unti unti kami nauubos.
Bigla na lang pumasok sa isip ko kasi sobrang sira na ng katawan ko, di na ko nakakaramdam ng antok kakapuyat ko noon. May mali talaga sa sistema. Naalala ko pumapasok kami kahit marami na samin may sakit, maka attend lang ng classes. HAHA.
Ngayon ang dami naka face mask. Pero dati uso na samin yon. Pagpasok namin ng classroom marami samin naka face mask kasi may mga sakit kami na pinipilit pumasok kasi bawal make up exams or make up labs. Sobrang higpit nila.
May mga kaklase ako dati na nadengue at naospital pero hindi sapat na dahilan para bigyan siya ng extra time sa lab. Kaya ayon, nadelay. Ang sakit lang pag iniisip ko kasi sobrang hirap pero parang walang nakakaintindi kundi kami. Tapos di mo din alam kung worth it in the end.
Di ko talaga alam bat inaalala ko to pero naiiyak ako HAHAHAHAHA bat ganon?
Okay will delete later. Iyak lang ako saglit.
You can follow @Cyreeeeeeeyn.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: