LONG THREAD:

ramdam ko yung struggles ng mga teachers sa online class. kung tutuusin, bukod sa wifi, gagastos pa sila sa mga gadgets (laptops, computer) and accessories (pen tablets, mic, webcam etc) para mas maintindihan natin mga lectures.
ang dami ring technical difficulties: slow internet, di gumagana apps, mahirap magdrawing / magsulat ng formulas, solutions.

pansin ko lang din, mas prone sila sa mga mistakes sa lectures ngayon especially sa mga math and science subject na may solving problems.
understandable naman. kasi sobrang nakakadrain naman talaga ng online class. kung tayong mga estudyante, hirap na hirap na sa ol class, what more sa mga teachers na halos buong mag-araw nagsasalita at nakaupo sa harap ng laptop/computer?
nahihiya din mga teachers kapag nagkakamali sila sa pagturo. kaya kung may mali, correct them in a nice way.

nahihiya din ang iba kapag may mga family members na nakikinig sa discussion.

tapos halos 24/7 online sila para lang maentertain lahat ng concerns ng mga students.
dagdag pa, sobrang understanding nila sa mga rason ng students kapag di makapagparticipate, makapag-on ng mic/cam kahit na totoo o kasinungalingan pa ang rason.

yung iba nga kahit gustong pagsabihan ang mga estudyante, hindi magawa. nilulunok nalang.
masakit na nga sa bulsa ang preparation nila sa online class. sobrang nakakapagod pa ng trabaho nila. minsan nakakadown pa ng self-esteem lalo na pag may nagsasabi na wala silang natutunan o may nagrereklamo na mga parents ng mga bagay na di naman nila nakokontrol.
as much as possible sumagot din tayo sa mga teachers natin pag nagtatanong sa lectures. nakakabother kaya pag walang sumasagot. isipin mo, nagtuturo ka sa harap ng laptop, di mo alam kung may nakikinig pa ba o hindi. pero tuloy pa rin kahit may uncertainty. kahit walang sumasagot
kaya appreciate your teachers. kahit nasa bahay, tuloy pa rin dapat ang respeto. wag nating isipin na kalaban natin sila. kesyo ang daming pinapagawa ni maam/sir ganon. may sinusundan din silang curriculum. trabaho nila yon.
kaya habaan din natin ang pasensya kagaya nila. we are all trying our best to cope to the situation today. kung galit ka, wag kang magalit sa kanila. magalit ka sa tunay na dahilan kung bakit naging ganito setup natin... OOPS

thank you for listening to my tedtalk
You can follow @ItsLuvshie.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: