SHARE KO LANG 'TO. Kung ayaw niyong basahin, okay lang. Rant ko lang naman 'to. Pero gagawin kong thread. Ignore it if you want. Para stress free ka. Charot!!

-A THREAD-
Today, I helped my sister. Tagalog na lang ha. Hirap mag-English. Char. Tinulungan ko siya mag-ayos ng modules kasi teacher siya. Baka nagtataka kayo bakit 'late' na siya nag-aayos. Nagkasakit kasi siya, nilagnat ng ilang araw. Pero WALA siyang covid ha. Pinapauna ko lang naman.
Kulang na lang umabot sa 40°C 'yung body temp niya dahil sa lagnat kaya kanina lang naayos 'yung modules. As in SOBRANG dami. Hindi ako OA. Marami talaga. Sandamakmak, sangkaterba, sangkatutak. I'm not even joking. I will send proofs mamaya kung sisipagin ako.
So ayun nga, inayos namin LAHAT ng modules from WEEK 1-7 kumbaga sa High School, first quarter 'yon. Ano ba lahat ng subjects sa JHS? English, Math, Science, Filipino, MAPEH, TLE, Values/ESP, Araling Panlipunan. Depende sa school minsan separate ata 'yung Religion? Idk.
Imagine, gaano karami lahat ng 'yon? Almost 40 students 'yung sa advisory class ng Ate ko. Or darami pa. Hindi lang isang page 'yung kada subject. Ang dami talaga. Expect ko naman na marami since modular type of education ang iba today dahil sa pandemic.
Asan na 'yung rant? Ito na. Kung student ka (marami rito students pa lang), alam ko mahirap. I understand your sentiments. I know how hard it is to do self-study. Magreview nga lang ng lesson na itinuro na, ang hirap pa rin e. 'Yun pa kayang ikaw mismo ang aaral?
PERO bago sana tayo magreklamo, isipin din natin na hindi lang tayo ang nahihirapan. The teachers are having a hard time, too. Wala rin silang choice. Bakit? Kasi under DepEd din sila. Kung ano ang sinabi, 'yon ang susundin. Hindi pwedeng hindi. Kailangan kasi talaga.
Uulitin ko, okay lang magreklamo. Pero sana 'wag sisihin 'yung teachers. Bakit? Kasi trabaho nila 'yan. Na turuan kayo kahit pa thru modules. ALAM KO na mayroong 'ibang' teachers na kung minsan marami talagang pinapagawa. PERO hindi dahil gusto nila kayong pahirapan.
Nasa curriculum 'yon. They have a Teacher's Guide which is a book kung saan nandoon 'yung mga dapat ipagawa nila sa students. Minsan nga (this is what my sister does) pinapadali na nila 'yon e. 'Yung madaling maiintindihan.
How do I know? I see my sister do this EVERYDAY. She does modules EVERY SINGLE DAY. She starts to work at 8am and will stop at 4 or 5pm. Nagttype, nag-iisip ng ilalagay sa modules, nag-eenroll ng students na late, nag-aayos ng ibang forms. Btw, they have School Forms 1-9 or 10.
Sa bawat form na 'yon, may files ang bawat student. At the end of the school year, aayusin nilang lahat 'yan. Iccompile, from 1st-4th quarter. Lahat. Search niyo na lang para saan lahat ng 'yon kung gusto niyo para alam ninyo. Kung ayaw niyo, wala namang problema dun.
May RPMS pa, meetings thru zoom, seminar (webinar na today). Kahit ginagawa nila 'yan sa school, inuuwi rin nila 'yan. Pahinga? Walang ganon. Pero inaappreciate ba natin sila? Kung oo, mabuti kung ganun. Kung hindi, oh well.
Hindi porke nasa bahay "LANG", chill chill na. Hindi. Walang salitang chill sa teaching profession. Sweldo??? Sumusweldo naman? HAHAHAHAHAHAHA, ang liit lang ng starting salary ng teachers. Fyi. Search niyo magkano. Para kayo mismo ang makakita.
'Yung sweldong nakukuha nila, walang-wala sa PAGOD na nararanasan at nararamdaman nila everyday. 'Bakit 'di sila mag-quit?' Kapag nag-quit sila, paano na? Paano ka magiging engineer, architect, doctor, nurse, pilot, accountant, and kung ano pang profession na meron?
Mind you, may nakatatandang teachers na. How do they cope with this? Others does not even know how to use technology. Paano sila mag-kkeep up sa modules modules na 'yan? Paano nila issort 'yan? Bubuhatin? Ipamimigay??
May pandemic ha. Baka nakakalimutan ninyo. Halos ARAW-ARAW nasa school sila para diyan. Isipin na lang natin kung gaano ka-risky 'yon. Risky rin naman sa mga kukuha. Pero the teachers? Hindi lang isang tao ang haharapin.
Isa pa, may mga teacher na pamilyado na. May asawa't (mga) anak. Inaasikaso nila 'yan and at the same time, mga estudyante pa. Tapos pagod ka na? OKAY LANG. Lahat naman napapagod. 'Di ko sinabing hindi mo pwedeng maramdaman 'yon. Pwede. 'Di ka naman robot.
Pero pagod DIN naman sila. Tao RIN sila. Kailangan DIN nila ng pahinga, kagaya niyo. Kung gaano katagal kayo nakatutok sa laptop/phones/iPad or kung ano pa 'yan, isipin niyo rin 'yung kanila. Hindi naman kompetisyon, hindi naman sinabing kung sino matagal, siya ang ganito ganyan.
Nakakapagod lang na ang dami o meron pa 'kong nababasa na reklamo about sa teachers. Bakit? Bakit sila ang tinitira? Sumunod lang naman sila? Alam niyo ba, kung sila (sabi ng mga teacher na kilala ko) na mas gusto nila ang face-to-face teaching? Pero anong choice ang meron sila?
Kagaya ninyo, WALA. Online classes? Wala kayong WiFi? Mahina signal niyo? Wala kang laptop/phone/iPad? Wala kang pang-load? Tinanong na ba ninyo sila kung meron din sila? Kung meron man, galing 'yan sa sarili nilang bulsa. Hindi provided. "May sweldo naman, kami wala."
Tama naman. Students pa. PERO, hindi ninyo alam na kung minsan sariling pera na nila ang ginagamit just to provide quality education. Kung gusto niyong maghanap ng sisisihin, kayo ang bahala, basta 'wag ang TEACHERS.
It IS okay to rant. I swear. Lahat naman naiinis, nagagalit, naiirita, napapagod, name it! But please, refrain from blaming the teachers. They are human, too. Nasasaktan sila na kahit pala gawin na nila 'yung best nila, may masasabi't masasabi pa rin pala ang iba.
And that IS fine kasi we cannot please everyone naman 'di ba? What is my point ba talaga? Ang dami kong dada, para saan ba 'to at bakit sobrang haba?
Ang POINT ko lang talaga rito is learn how to appreciate other people's efforts and hardworks, also hindi lang kayo ang nahihirapan at napapagod. Naisip niyo na ba after niyong sagutan ang modules na 'yan, ilang beses ang balik niyang sa teachers para icheck?
Kung ilan kayo sa klase niya, ganoon karami plus the subjects pa ha. Irerecord, mag-iinput, icocompute ng excel, (may iba mano-mano kasi hindi talaga marunong sa technology), isusulat ang grades sa report card and the list goes on.
'Nag-teacher pa kung magrereklamo rin pala na marami ang ginagawa?'

Ibabalik ko sa'yo ha?

'Nag-aral ka pa kung magrereklamo ka rin pala na nahihirapan ka at marami kang gagawin?'
'Trabaho nila 'yon. Bakit sila magrereklamo?' THAT IS THE POINT! Trabaho nila ang ginagawa nila. Trabaho nilang bigyan kayo ng modules, or mag-online class. Kung ayaw mo pala ng maraming ginagawa, 'Ba't nag-enroll ka pa?'
I am NOT invalidating your hardworks, kids. I am NOT invalidating and I did NOT invalidate your feelings. This is what I see, my opinion, and mine alone. I do NOT speak in behalf of anyone. I speak for myself.
If you wanna come at me, DM me. Let us talk. TALK. Not fight. I did NOT say these para maghanap ng away or makakaaway. If you are offended, tell me and we will talk about it. Approach me, NOT anyone else. This is my thread, I made it, so talk to me.
This was the video I took earlier. We were on the process of arranging these and I decided to send it to my friends here on stan twt. Excuse for the noise and sa kalat. Marami talagang ginagawa, they do NOT even have a faculty room yet, kasi giniba 'yung building para ipaayos.
May ibang papers pa na pini-print, at inihabol ng subject teachers. After arranging those, ilalagay pa sa plastic envelope. We started sorting the modules at 10am, we ate our lunch at 12nn, we started sorting again RIGHT AFTER we ate our lunch, ended at 6pm or so.
Sorting....
(Sorry, computer lab 'yan. And before you say anything, alam ko makalat. You'll never understand unless you become a teacher yourself.)
This was me, earlier today. Drained. I just came to help. You see those red plastic envelopes??? Nasa loob na 'yung modules na inayos. "Ilan yan?" 40 pieces. May hindi pa nailalagay kasi kulang PA ang envelopes.

P.S: Di ata gumagana 'yung wall clock. 'Wag niyo na pansinin.
My sister posted this on her IG story RIGHT after she got home. (She's married, and she does not live with us na.) She haven't eated yet, haven't taken a bath that time, nor changed her clothes.

(I long pressed her story para 'di visible 'yung name niya.)
Tapos sasabihin niyo, "May sweldo naman."

Okay. But think again. :)
Kung izu-zoom pala ninyo 'yung paper doon sa picture, makikita niyo na may kailangan pa siya i-print.
Shet ang haba naman nito.

But the moral of this thread?
1. APPRECIATE. LEARN HOW TO APPRECIATE OTHER PEOPLE'S HARDWORKS AND EFFORTS.
2. You do NOT know the whole story.
3. Refrain from blaming anyone.
4. Everyone grows tired.
5. Just do your part.
6. TEACHERS are NOT robots.
Any questions? Suggestions? Violent reactions? DM me. Ako ha. Hindi 'yung GDM niyo tapos ica-cancel niyo 'ko, pag-uusapan. (Me to myself: Wow famous ka?)

THANK YOU FOR COMING TO MY TED TALK.

God bless you, everyone!
P.S: I mean NO harm. Just.. Please. Okay? Lam nyo na yon. 💛
You can follow @loeyxhyun.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: