Help RT to spread 🙏🏻

❗SCAMMER ❗
Bona Kim and Yang Songhwa
(I'm not sure kung eto talaga real name nila kasi eto yung nakalagay sa Paypal Account nila☹

Scammed us for over 2 Million Won or more than 80,000 PHP

long thread;
eto po yung time na sinend ko yung final orders for SKZ Go Live Albums and yung SVT Henggarae Kit and okay okay pa din yung pag uusap namin, mabait din naman sya kausap nung una pero shuta pa din sya😒
nagka problema yung paypal na gagamitin namin before para mabayadan sya kaya medyo nagalit sya kasi bayad na "DAW" nya yung albums kaya need na yung payment and ayon kinuha nya yung link ng shop and name ko kaya siguro nakikita / makikita nya tong post na to (HI BONA LOL)+
+sa kanya ko na din inorder yung Twice More & More and Baekhyun Delight kasi naubusan ng POB yung una kong pagkukunan sana huhu kaya ayun
eto yung hirap naming i-link yung card sa paypal kaya medyo delayed payment ko. and as you can see may buyer daw syang Filo na may "beauty product shop" na "REGISTERED" and recorded daw sa BIR if nakikipag transact kaya hindi pwede magpasuyo na mag transfer sa kanya+
+sa buyer ni Bona Kim or kung sino man yan, if ever na makita mo tong post na to please message me, hindi ko sure kung totoong buyer ka nya or baka ikaw lang din kausap ko na nag papanggap na KORYAN pero Filipino naman pala+
+parang awa mo na ate/kuya, kung makita mo man to paki message ako, kasi sobrang laki ng pera na yon. sobrang laking halaga ng pera na nawala sa akin/sa amin :((
eto na yung nakapag bayad ako sa SKZ Go Live Albums pero kinulang yung payment ko kaya sabi nya isabay ko na lang daw sa iba or sa International Shipping Fee
eto yung inorder ko na din yung albums sana for winners ng mga giveaways namin before:(( and eto po yung sinasabi ko before na nagka problema sya sa lost parcels kaya delayed pag ship
tas eto na dito na nagsimula maging complicated kasi nagka corona virus daw yung bona and yung friend nya na yung magha handle nung ibang buyers nya. tas ewan ko na ang tanga ko sa part na naniwala akong totoo na may covid yang bona na yan. ang ayos ko naman makipag usap+
+sa kanila, never akong naging rude or ma attitude pag kausap sya, everytime na hindi sya/sila nagrereply nag aalala din ako sa kanila kasi baka kung ano na nangyari sa kanla. sobrang mali ko sa part na naging masyado akong mabait sa kanila :(( tas ayun alam din+
+nung yang songhwa na broke station shop to kaya kung nababasa mo din to hello sayo, sana nakakatulog kayo ng maayos. bahala ka na mag translate sa sinasabi ko kung naiintindihan mo ba to o hindi
tas eto naman yung almost 1 week di nagrereply yung yang songhwa tas pagbalik may namatay daw na staff nila na baka putchu putchu lang nya. tas eto yung sabi nya na to be pick up na daw sa warehouse yung box
ni confirm ko pa ulit sa kanya dito kung available lahat nung day6 albums sa batch 2 and sabi nya yes kaya ayun ni re open ko yung ibang slots tas babayadan ko na dito yung half nung batch 1 na TBOU, CBV1&2 and Nachimbong pero na doble namin yung payment namin+
+ kaya nabawasan yung pera ng batch 1, kumbaga halos naibigay ko na lahat nung sa batch 1 kaya 1/4 ng pera na lang natira pero sinabi ko before na kalahati pa kasi nilagay ko na po lahat ng savings ko for refund kaya naging kalahati sya, lahat po ng+
+naipon ko nilagay ko sa refunds, pati yung pera na naiwan sakin ni papa bago sya mawala nilagay ko sa refunds para lang hindi ako lumabas na scammer sa paningin ng iba. kaya please lang, bona kim or whoever you are. I'm begging on my knees, please give my money back+
+hindi mo alam kung paano pinaghirapan ni papa and nung parents ko yung pera na yun. hindi nila itinae or pinulot yang pera na yan. sobrang naiiyak ako kasi nawala ng parang bula yung pinaghirapan ng mga magulang ko. nag negosyo ako para makatulong sa kanila hindi yung ganito+
+halos walang makain magulang ko sa ibang bansa para sa pera na tinakbo mo lang. si tita, yung kapatid ni papa na nagpahiram sakin ng pera para maibigay sa refunds. alam kong walang wala na din sila pero pinahiram nya ako kasi ayaw nyang ma stress ako ng sobra+
+sa ganitong situation, ayaw nya na akong nakikitang nahihirapan kasi sa edad kong to, sa edad na 18 ang daming hirap na yung pinag daanan ko kaya natatakot na ko mabuhay kasi alam kong hindi lang to pag dadaanan ko. makonsensya ka naman Bona, hindi mo ikayayaman yan+
+mas lalo mo lang pinapahirapan sarili mo. kung makakarma ka hindi lang ganito kalaki kaya sana habang maaga pa mag bago ka na, ibalik mo na lahat ng pera na na scam mo. hindi ko alam kung may personal problems ka ba kaya mo nagagawa to pero let me tell you this+
+hindi ganito yung tamang paraan para lang mairaos mo yung personal problems mo. hindi mo kailangan mang scam para lang ma satisfy ka sa pamumuhay mo. mag trabaho ka ng maayos, matuto kang tumayo sa sarili mong paa para mabuhay.
if anyone sa inyo na nagkaroon ng transaction kay bona please message me din po. pero kasi i think gumagawa sila ng iba't ibang paypal to scam people. gumagamit sila ng ibang names para makapang scam.
payo ko lang din po sa mga may balak mag online sell. kung maaari po magtanong kayo ng magtanong sa kanila ng details nila bago kayo mag submit ng orders. if may sinend silang proofs check nyo kung totoo yun. kasi yung sinend nila bona na proof sa akin is kinuha lang+
+nila sa ibang seller tapos sinend samin. kelan lang din namin nalaman kaya ayun. if sa paypal po kayo magsesend ng payment try nyo po muna i-email yung email na gamit nila. if nag email kayo tapos "Address Not Found" it's either pinalitan nila yung email or dinelete nila+
+and it's better po na from site na lang kayo umorder para mas safe. meron din po akong nakausap na feeling ko si Bona din yon or yung friend nya kasi parehas na parehas sila ng reasons pag nag memessage sakin and kinausap ko sya about dito. nasabi ko na scammer si+
+Bona and may pasabi sabi pa sya na tutulungan nya daw ako pero sya lang din naman yon. kinuha ko yung email nung kausap ko na yun and nag email muna ako sa kanya tas sabi ko sa kanya na bakit hindi ko sya ma email, tinanong ko kung bakit "Address Not Found" din+
+pero sabi nya hindi nya alam kaya i-contact nya yung gmail. tapos ilang araw nag message ulit sya sakin ang tinatanong nya yung about kay Bona. kung kamusta na daw pag hahanap namin sa kanya tas ayon sinabihan nya pa ako ng "goodluck" daw 🙄
eto po yung chatroom nilang dalawa

https://open.kakao.com/o/svBna8Ab 

https://open.kakao.com/o/sJZwHzyb 

nung nag start na ako mag tweet about sa issue na to dinelete agad nila yung chatroom nila. nung una meron pa kaya nga lang hindi na ako maka join kasi maximum na daw number nung chatroom+
+and may nag message lang sakin sa telegram na deleted na daw yung chatroom kaya ayun, sobrang nawawalan na ako ng pag asa na makuha ko pa yun kasi unsuccessful din yung pag file namin ng case sa kanya. hindi ko alam kung paano ko maibabalik kay tita yung pinahiram nya sakin+
+kahit sinabi nya na wag ko na daw ibalik sa kanya kailangan ko pa din maibalik yun, sobrang nakakahiya sa kanya. ang pag asa ko na lang is kung makokonsenya si Bona sa ginawa nya :((
You can follow @brokestationph.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: