Suju as Auntie Julie's hermanas / amigas from Poveda.
-A THREAD-
-A THREAD-
Auntie Teukie- Siya yung tipong dadaldalan ka about her highschool days habang nagluluto ng paborito mong pasta. Laging nanghihingi ng wifi password kapag nasa bahay ninyo. Nagre-recycle ng gift wrapper tuwing Pasko. Kuripot pero willing kang ipagluto basta you'll walk her dog.
Auntie Chullie- Bida sa mga handaan at get togethers dahil sa kanyang funny & chill personality. Ang auntie mong willing makipagbardagulan para sa mga pamangkin. Updated lagi sa lovelife mo at mahilig ding mang-reto. Masungit sa mga auntie na di niya bet.
Auntie Yeye- Ang fashionista mong auntie. Mahilig mag selfie at ia-add ka sa lahat ng social media accounts mo. Laging nagtatanong kung anong filter ang gagamitin niya sa IG. Tambay sa coffee shops at Mary Grace. Moody pero caring. Ang auntie mong palaban sa videoke sessions.
Auntie Shin- Ang auntie mong laging game master sa gatherings at reunions. Go-to auntie mo for all things fun. Laging busy kasi maraming raket. Distant pero super reliable. No. 1 tanungan ng mga aunties pagdating sa tech stuff.
Auntie Minnie- Ang lovable mong auntie. Never mo siyang nakalimutan dahil bine-baby sit ka na niya simula nung bata ka pa lang. Game na game sa tiktok at youtube lives. Kinukulit ka lagi na mag take ng voice o piano lessons. Sa kanya mo sinusumbong ang nanay mo pag nag-away kayo.
Auntie Hyukkie- Ang auntie mong zumba master at dance diva. Isa siya sa mga annoying aunties na mapang-asar at laging maraming tanong. Tititigan ka muna niya from head to toe bago ka niya purihin. Laging nakapamewang, lalo na kapag nakiki-tsismis sa iba.
Auntie Hae- Ang auntie mong may distinct beauty. Laman ng gym at healthy eater din. Tahimik lang pero mahilig manghampas lalo kapag tumatawa. Siya yung auntie mong laging may out of this world comments at bigla na lang umiiyak sa gitna ng kwentuhan.
Auntie Masi- Ang yayamanin mong auntie. Laging absent sa gatherings dahil nasa business trips. Laging may dalang pasalubong kapag dumadalaw sa bahay ninyo. Galante rin magbigay ng regalo. Go-to auntie mo for school / life / career advice.
Auntie Wookie- Ang auntie mong dinig hanggang kabilang street ang tawa. Kapalitan mo ng recipes at skincare routine. Pinapasahan ka ng links ng vitamins at supplements online. Lagi ka niyang kinakantahan, lagi ka ring pinapakanta in public. Savage pero super sweet auntie.
Auntie Kyu- Ang auntie mong malakas uminom. Pinapainom ka in secret during parties. Ang auntie mong mahilig mambara, at g na g kang pagalitan kapag may hindi ka alam na topic sa school. Siya yung walang takot magsabi ng "ay sintunado ka yata" kapag turn mo na kumanta sa videoke.
This is for my filo moots, and a bit of a timeline cleanse too. Thank you again to @macoydubs1 for giving us Auntie Julie. One of the best things to happen in pandemic twitter.
-END-

-END-