Robredo: Hindi mahirap unawain ang sentimyento ng marami: Na para bang walang timon, walang direksyon, walang malinaw na horizon kung kailan at paano masosolusyonan ang pandemya. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Na para bang aabutan lang tayo ng kaunting ayuda, tapos bahala ka na, magkulong ka na lang sa bahay at mabuhay nang nangangamba. Na sa atin pa ang sisi kapag may nahawa o namatay – tayo pa ang pasaway. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Na parang wala na tayong maaasahan sa mga pinuno – o para ba mismong wala nang namumuno. Na para bang iniwan na lang tayo para intindihin ang isa’t isa. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Hindi pagbabatikos ang pagbitbit ng mga sentimyentong ito: This is our reality. Karapatan at tungkulin natin to expect and demand more from our leaders. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Pero nitong nakaraang limang buwan, lalong luminaw ito – na tayo-tayo na rin nga lang ang iintindi sa isa’t isa. Ito mismo ang nagbibigay ng pag-asa sa akin sa mga panahong ganito: Walang dadaig sa Pilipino pagdating sa pag-intindi sa kapwa Pilipino. | via @maracepeda
Robredo: Tinatawag muli tayo ng panahon: Palawakin ang saklaw ng malasakit; ituon sa kapwa ang anumang pagkilos. Asikasuhin ang isa’t isa. Unawaing magkakarugtong ang diwa nating lahat. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Maraming hakbang para isakongkreto ito: Alagaan ang sariling kalusugan – dahil bawat isang mahahawa ng COVID-19 ay makakadagdag sa dalahin ng pambansang healthcare system. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Tangkilikin ang mga lokal na negosyo, maging sa mga online platform o sa ating mga komunidad. Kumustahin ang kapitbahay; iabot ang makakayang tulong kung gipit na sila. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Sa mga bangko at landlord, maging makatao sa pagtrato ng mga nahihirapang magbayad ng utang o upa. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Mag-volunteer, ituon ang enerhiya pabalik sa mga komunidad, at hangga’t makakaya, siguruhin na hindi aabutin ng gutom ang mga nakapaligid sa ating naghihikahos sa panahong ito. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Ginagawa na ng napakamarami sa atin ito, at kung nagagawa natin ito nang walang nagtitimon, isipin na lang ninyo ang kaya pa nating gawin kung mayroon. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Sa New Zealand at Vietnam, bumilang sila ng maraming araw bago nagkaroon ng bagong kaso ng COVID-19. Nang matukoy na mayroon muli nito, mabilis silang kumilos, all hands on deck, para maampat ang pagkalat. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Ganito ring sense of urgency ang ipinakita ng South Korea nang biglang pumalo ulit ang mga kaso doon. Noon namang August 8, ginanap sa Taiwan ang kauna-unahan nilang concert sa panahon ng COVID-19; mahigit sampung libo ang dumalo. | @maracepeda
Robredo: Pinayagan ito dahil epektibo nilang nadaig ang pandemya. Dahil may malinaw na plano, mabisang mga polisiya na nakabase sa siyensiya, at mabilis na pagkilos dahil buong-buo ang tiwala nila sa pamunuan at sa isa’t isa. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Kaya din natin ito; kinakaya na dapat natin ito; napakahaba ng kasaysayan natin ng tagumpay laban sa mga hamon na tulad nito. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: At kung walang mamumuno, tayo mismo ang hahakbang, tayo mismo ang magtutulungan, tayo mismo ang bibitbit sa isa’t isa. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Tayo mismo ang haharap, tayo mismo ang mangunguna, gagampanan natin ang anumang tungkulin para daigin ang anumang pagsubok, sa ngalan ng ating kapwa. | via @maracepeda

LIVE:
Robredo: Tayo mismo ang tititig sa mukha ng krisis na ito at buong-tapang na ihahayag: Maaari mo kaming mapaluhod, pero hindi kailanman mapipigilan ang paulit-ulit at taas-noo naming pagtindig. Pilipino kami. Mas malakas kami sa anumang pagsubok. | @maracepeda
Robredo: Buo ang loob ko. Sa pananalig, sa paninindigan, at higit sa lahat, sa pagkakaisa, madadaig natin ang krisis na ito.

Tiwala ako. Kaya natin ito. | via @maracepeda

LIVE:
You can follow @rapplerdotcom.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: