Nakakapagtaka. May ginawang tama, pinaganda ang lugar, inayos ang paligid, at nilagyan ng mga direksyon, pero yung mali ang pinuna. Galit kayo dahil patay na writing system ang ginamit. So, Chinese ang gusto niyong makita? Lahat na lang sa mata ng mga Pinoy, mali. Lahat na lang.
Ang linaw sa picture na ang laki-laki ng roman letters habang maliliit ang Baybayin. So saan nakafocus ang signage? Sa Baybayin ba? Lahat na lang may issue. May gawing tama, mali. May gawing mali, mali. Ewan ko ba sa inyo.
Oo, nandoon na tayo na given na ang daming old writing systems sa Pilipinas noon. Pero utang na loob naman. Nasa Manila iyan, natural Baybayin ang ginagamit noon, malamang iyan ang gagamitin. Magulat ka kapag Chinese lahat iyan. Ano ito, SM?
Kung feeling niyo dapat hindi iyan nandiyan, dapat noon pa lang noong nirerenovate iyan, sana nagpresenta na kayong magmagaling sa kung ano dapat ang nandiyan. Kasi halatang yung iba sa inyo sumasakay na lang sa bandwagon para lang may masabi.
Siguro nga may mali sa nakasulat dahil wala pa naman tayong standard pagdating sa pagsusulat ng Baybayin. Pero kung iyan ang way ng LGU, at ng mayor to show their effort, appreciate it. Maliit ang baybayin habang malaki ang roman letters. Huwag niyong gawing issue.
Hindi ko iniinvalidate ang mga opinyon niyo pero sana bago kayo pinuna ay tinignan niyo munang maigi kung anong itsura ng buong lugar at kung walang indikasyon na maintindihan ang mga nakasulat sa karatula. Ang laki-laki ng roman letters, oh. Appreciate na lang.
Appreciate the fact na may napupuntahang matino yung tax naming mga Manilenyo. Yung tax naming hindi ibinubulsa dahil may nararating, may nagagawa. Puwede bang iyon ang pagtuunan niyo ng pansin? Puwede ba?
Noong nakita niyong may Chinese at Korean counterpart ang Entrance at Exit sa mga malls ng SM dito sa Pilipinas, nagreklamo kayo? Pero Baybayin na nandito lang visible sa ngayon sa Manila City, ang laking issue sa inyo? Grabe ah.
You can follow @ytpattarakampol.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: