legit tho stan mga bata sa kalye. grabe sobrang dinemonize sila sakin ng pamilya ko dati eh hello? social skills? multiple talents? street smart? stamina? nasa kanila lahat. eh ako kinulong sa bahay para gawing honor student wala naman akong nakuha kundi anxiety at hingalin ass https://twitter.com/kylediazzz/status/1297003370994049027
naalala ko nung nag-oorganize kami sa commonwealth, mas may empathy at practical knowledge pa sa econ at pol issues yung mga batang nagvo-volleyball at sumasayaw kung saan saan kesa karamihan ng mga nasa univ at mas academically privileged
dagdag ko lang din, hindi rin sila nagtagumpay sa kagustuhan nilang maging honor student ako forever dahil na-burnout din ako agad sa kagagawan nila so ayon pare-pareho kaming talo dahil sa ini-impose ng lipunan shsldjldkdljdn fuck neoliberalism and breadwinner culture
i’m sorry to hear from others na ang mga batang kalye sa kanila eh nag-eengage sa criminal acts, that’s very alarming and dangerous, para sa bata at para sa community. pero kailangan din natin marealize na di naman inherently anti-social ang behavior ng mga bata
ang mga nag-eengage sa criminal activities ay natutulak lang din ng economic status, coerced, abducted, etc. if anything, ang kailangan nila ay sistemang nagbibigay ng batayang karapatan nila. di sila magnanakaw kung di kontraktwal o naghihirap ang mga magulang, nakakakain
di lang siya usapin ng kung nakakapag-aral ba sila o hindi dahil bukod sa di pa totoong libre ang edukasyon, karamihan sa kanila ay di na kayang mabuhay at kumain nang sapat bago pa man makapag-aral. kailangan nila ng sistemang tutugunan ang pangangailangan nila para mabuhay.
just in case this gets misinterpreted as romanticizing poverty again https://twitter.com/umiigpaw/status/1297482319792492544?s=20
You can follow @umiigpaw.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: