napaka-student centered ng academic freeze. kawawa ang ating mga guro at school personnel dahil marami ang mawawalan ng trabaho. isa pa, napaka-short sighted na solusyon nito sapagkat ang kinakailangan natin ngayon ay pangmalawakang mass testing para sa ligtas na balik eskwela https://twitter.com/jungjaehdery/status/1294151898677813249
aminin natin na hindi lahat ay kayang makipagsabayan sa ol classes. hindi lamang mga estudyante kundi pati mga guro ay nahihirapan din. at ang iba sa atin ay hindi afford na tumigil dahil sayang ang panahon kaya marapat lamang na isulong natin ang mass testing.
napaka-anti poor ng online classes sapagkat 17% lamang ng mga pilipino ang may internet access sa kanilang mga tahanan at 3.74% lamang ang nagmamay-ari ng cellphone na kayang magconnect sa internet (datos mula kay Albay Rep. Joey Salceda)
so in short, ipinapasa sa atin ng gobyerno yung burden na maghanap ng resources upang makapagcope tayo sa ol classes. isipin natin yung mga kapatid natin na naluluklok talaga sa kahirapan. nagreresort sila sa illegal activities para lang makipagsabayan sa desisyon ng gobyerno.
dahil napaka-ingay ng pagsulong at pagsuporta ng mga tao sa academic freeze nakakalimutan natin na ang dapat pina-prioritize ng gobyerno ngayon ay again ang pangmalawakang mass testing para maensure ang ligtas na pagbabalik eskwela
kung susuportahan natin ang call for academic freeze ay parang sinusuportahan na rin natin ang paghihintay ng gobyerno kung kailan magiging available ang vaccine
which is hindi naman dapat kasi sa paghihintay nating ito ang dami talagang nasasayang na oras. to add, indefinite postponement of classes might also affect the learning of children during their psychosocial development stage.
ang pinaka-appropriate call para mga estudyante, guro, at mga school personnel natin ay safe resumption ng physical classes na ma-aachieve natin sa pamamagitan ng mass testiing at iba pang solusyong medikal.
please kapag may nakikita tayong ipinupush pa rin ang academic freeze i-educate natin sila. huwag natin silang kagalitan sapagkat biktima lamang din sila ng sistema.
hello oomfs and non-oomfs ito ang mas komprehensibo pang paliwanag kung bakit #LigtasNaBalikEskwela ang dapat nating isulong https://twitter.com/froilxn/status/1292493969201324032?s=20
kung may hindi malinaw sa inyo, please dm meeee!! usap tayooo!!
