Buwan ng Wika na naman!

kayo ba ay nalilito kung ano ang pinagkaiba ng FILIPINO at TAGALOG? Narito ang tala ng impormasyon na maaaring makatulong sa inyo. ++

@SB19Official
Sa Pilipinas ay mayroong walong pangunahing wika; Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Panggasinense, Kapampangan, Bicolano, at Ilocano. ++

@SB19Official
Ninais ng pamahalaan na magkaroon ng pambansang wika ang Pilipinas na siyang magsisilbing pagkakakilanlan ng bansa (Saligang Batas ng 1935. Artikulo XIV, Seksyon 3). ++

@SB19Official
Kung kaya't nabuo ang SURIAN NG WIKANG PAMBANSA na pinangungunahan ni Jaime C. de Veyra. (Batas Commonwealth 184). ++

@SB19Official
Ginawang batayan ang walong pangunahing wika sa pagsusuri kung alin ang nararapat na wikang pambansa. ++

@SB19Official
at noong 1937 sa ilalim ng KAUTUSANG TAGAGANAP BILANG 134 (Executive Order) Itinala ni pangulong Quezon na ang WIKANG PAMBANSA ay ibabatay sa TAGALOG. ++
@SB19Official
Paalala: Ibabatay lamang sa Tagalog, hindi tagalog ang pambansang wika. ++

@SB19Official
3 dahilan kung bakit sa TAGALOG ibinatay ang wikang pambansa:

1. Maraming nasusulat na Panitikan sa wikang Tagalog.
2. Ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas at Tagalog ang wikang sinasalita dito.
3. Malaking bahagi ng populasyon ng bansa ang nagsasalita nito. ++

@SB19Official
Noong 1959, tinawag na PILIPINO ang wikang Pambansa sa ilalim ng KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BILANG 7 (Department Order). ++

@SB19Official
Ayon naman sa SALIGANG BATAS NG 1987, artikulo XIV, seksyon 6, ang wikang pambansa ay tatawaging FILIPINO.

ang paggamit ng 'F' ay simbolo ng pagtanggap natin ng mga hiram na salita na walang tuwirang salin sa wikang Filipino.
Halimbawa: Computer, Cake,++

@SB19Official
Ngayon anong Pinagkaiba ng FILIPINO SA TAGALOG?

ang FILIPINO ay pambansang wika ng ating bansa na nagsisilbing Lingua Franca ng Pilipinas.

LINGUA FRANCA- wikang ginagamit ng mga taong mula sa iba't ibang grupong etnolingwistiko upang magkaintindihan. ++

@SB19Official
Ang Tagalog ay isa sa pangunahing wika sa Pilipinas at Dayalekto ng mga natatanging lugar sa Luzon.

DAYALEKTO- wikang sinasalita sa isang naturang lugar. ++

@SB19Official
anong pinagkaiba ng DAYALEKTO at WIKA?

ang lahat ng dayalekto ay wika ngunit hindi lahat ng wika ay dayalekto.

halimbawa: ang Tagalog ay wika at dayalekto ng Maynila ngunit hindi magiging dayalekto ng Cebu. ++

@SB19Official
kung susuriing mabuti iisa lang ang Tagalog at Filipino mula sa balarila (Grammar) tungo sa istruktura at panitikan.

Bagaman kung nais nating ipakilala ang ating wika at sundin ang batas nararapat na gamitin ang salitang FILIPINO kung ang tinutukoy natin ay ang pambansang wika.
You can follow @4everafailure.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: