Ang mga nagtatanggol sa anak nung bigot na senator ay nabubulag ng pangangarap na yayaman rin sila balang araw at naniniwala sa myth ng 'Work hard and you will succeed'

Alam ninyo bang masmalaki pa ang porsyento na mamatay kayo sa gutom kesa maging milyonaryo kayo? Magalit kayo. https://twitter.com/Punongbayan_/status/1293302902262382592
Hindi ito crab mentality. Ito ay pagacknowledge ng disparity ng wealth gap. Para sa kaso nila, kaya patuloy na yumayaman si Pacquiao ay hindi rin dahil boksingero siya, kundi dahil naging pulitiko siya. Absenero, bigot at trapong pulitikong suportado ang ejk's at war on drugs.
Tapos maririnig mo yung anak niyang kumakanta ng tungkol sa paggamit ng recreational drugs? Ang kasaysayan ng rap music mula sa Black America ay dahil may struggle sila sa racism, police violence, poverty, drugs at inequality sa komunidad. Hindi dahil anak-mayaman sila.
Mga galing sa hirap dito ang may danas at valid na paghuhugutan ng tugtog nila. 'Yon ang may respeto sa craft/ugat ng rap. Di yung kakanta ka tungkol sa bagay na ikinamamatay ng ibang tao dahil mismo sa panukala ng ama mo. Kung sa US ginawa 'yan, tatawanan ka na. Culture-vulture.
May mga uri ng kapital. Financial, Human at Social. Financial, pera mo at intergenerational wealth; kadalasan kung anong naipamana sa'yo. Human, ang skillset na meron ka. Huli, Social bilang connections at kakilala sa industriya. Dito nagmula ang notion ng 'Social climber'.
Ngayon saan nagmumula ang hindi pagkakapantay-pantay ng oportunidad sa kahit anong industriya? Kahit anong galing mo (Human Capital) kung wala ka ng Financial at Social Capital e hindi ka mag'susucceed' o yayaman. At ang ratio na mangyari ang rags2riches na story ay napakababa.
Exception ang success, hindi rule. Ito ang itsura ng cultural production sa isang kapitalistang lipunan. Kahit anong kanta, sayaw, pinta, tugtog, gawa, diskarte mo diyan ay hindi 'yayaman' o 'magsusucceed' sa burgis na standards kung wala kang kapital + ieexploit along the way.
Higit sa lahat, simple lang rin ang hinihingi ng mga gaya ni @jasondhakal. Ang mapakinggan at magkaroon ng nakabubuhay na kita mula sa musika niya. Hindi naman nila nais maging bilyonaryo, gusto lang nila ng even playing field. Bilang nasa industriya, karapatan 'yon ng musician.
Masyado nang idinikdik ang individualism at capitalism sa mga utak ninyo na ayaw ninyong i-recognize ang issues ng class, social structures at pulitika na nakakaapekto sa lahat ng bagay. Oo, pati ang musika at mga kulturang nakokonsumo ninyo, apektado 'yan ng pulitika.
Sasabihin ninyo kapag binigyan ng valid na kritisismo, 'crab mentality' o nagpropromote ng 'hate'. Ayaw ninyong mag-isip. Isang tanong: So ganoon pala kanipis ang notion ng individualism at ~american dream of success na nadudurog ito sa ilang mga kritikal na tanong pa lang?
Addendum tayo ano ba pinupunto ko dito:

Kaaway sa uri si Manny Pacquiao. Bukod sa yaman niya, may mga nagawa na siya sa pulitika na talagang nakasakit sa mga Pilipino (Pagsuporta sa war on drugs, ejk's, death penalty, bigotry etc.) Bakit damay ang anak?
Dahil ang nakukuhang yaman at impluwensya ni Pacquiao mula sa pagiging pulitiko niya ang siyang nagenable sa batang ito na gumawa ng kanta na tungkol sa droga. Ipinapakita na kung anak ka ng pulitiko, safe ka mula sa ~War on Drugs. Kahit 'di ka marunong, aangat ka sa industriya.
Anyway dadami pa ang tulad ni Pacquiao at iba pang trapong pulitiko+mayayaman nilang angkan kung walang mangyayaring pagbabago sa gobyerno at sa lipunan (sa iba pang thread 'to maganda mabutbot). Ang pinakakailangang magawa ngayon ay #OUSTDUTERTENOW #OustDu𓆉 'Yun lang.
You can follow @_bernadetteanne.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: