haikyuu!! in quarantine thread (karasuno ver.)
( ͡o ͜ʖ ͡o)( ͡o ͜ʖ ͡o)( ͡o ͜ʖ ͡o)( ͡o ͜ʖ ͡o)( ͡o ͜ʖ ͡o)
DAICHI
—paboritong pinsan/kapatid
—taga-alaga ng mga nakababatang pinsan at kapatid; napapagod na ren pero walang choice
—laging naiiwan sa bahay para magbantay ng mga bata katulad nina noya at hinata
—"sabi nga ni kim chiu, "bawal lumabas, oh bawal lumabas."
SUGAWARA
—parang nanay kung tumalak at mag-reklamo
—araw-araw naglilinis & nag-aasikaso ng mga gawaing bahay na may kasamang sermon sa mga tao sa bahay
—"ako na lang lagi ang nakilos sa pamamahay na 'to!" pero ayaw naman magpatulong sa mga gawain...
ASAHI
—yung tito mong padeliver nang padeliver galing shopee at grab kasi takot lumabas ng bahay
—ayaw manuod ng tv o tumingin ng socmed dahil positive vibes only daw
—kakain na lang, nagdadrama pa, "mamamatay na tayong lahat pero lagi niyong tatanda na mahal na mahal ko kayo."
NISHINOYA
—makulit mong pinsan na gustong lumabas nang lumabas kahit bawal pa nga
—tiktokerist, pero puro mema at kalokohan lang
—"kuya daichi, diyan lang ako sa tapat ng bahay please?" tas mga 10 beses niya itatanong kahit alam niya na di nga pwede
RYU
—nakababatang kapatid na laging inuutusan ng ate
—certified plate attendant
—minsan naghahanap ng kapalit, "huy ako kaya naghugas kaninang umaga, ikaw naman mamaya!"
NARITA, ENNOSHITA, AT KINOSHITA
—tropahan ng mga gamerszxc
—tamang mobile legends at cod lang kahit bulok internet lagi (kaya ubos pera para sa data)
—dahil nga lag, madalas defeat at di mabreak ang lose streak pero okay lang, atleast sabay sabay naman silang talo
KAGEYAMA
—yung anak na patagong rallyista para sa bayan
—kasama lagi sa mga rally with social distancing pero naka-disguise
—kailangan laging may unique na palusot pagkauwi sa bahay para di itakwil ng pamilya
HINATA
—isa pang makulit na pinsan na kasama ni noya sa kalokohan
—laging ka-collab sa mga kalokohang tiktok kasi madaling utuin
—inip na inip na sa bahay ngayong quarantine kasi gusto na ulit tumakbo sa labas
—"kuya daichi, hindi ba talaga pwedeng lumabas?"
TSUKISHIMA
—yung pinsang wapakels
—kahit may pandemic o wala, di naman talaga siya nalabas ng bahay kaya kebs
—laging naka-headphones dahil naiingayan kina hinata at noya
—nagkukulong lang sa kwarto para manuod ng netflix o magbasa; may sariling mundo
YAMAGUCHI
—yung cookerist niyong pinsan
—panay youtube tutorials pinapanuod para maghanap ng bagong lulutuin/ibabake
—siya lang kinakausap ni tsukki kasi dinadalhan niya ng pagkain
—"WALA MUNANG KUKUPIT, PIPICTURAN KO PA YANG MGA COOKIES!!" sigaw niya sa mga atat na taga-tikim
YACHI
—taga-bantay ng sari-sari store
—laging patagong nagtitiktok pero di naman ipopost
—ayaw umamin pero laging inaantay si yamaguchi bumili ng mga kulang niyang ingredients
—kinikilig naman kapag dinadalhan siya ng libreng sample. "uy salamat ulit, yamz! sobrang sarap!"
SHIMIZU
—estudyanteng hindi na umaasa sa academic freeze kaya nag-aadvance studying na
—masipag umattend ng mga online college orientations & mga libreng online classes
—laging busy pero naghuhugas pa rin ng pinggan kasi naaawa na ren kay ryu
UKAI
—yung tito mong pasaway na panay roadtrip at gala porket may kotse
—takot si asahi sa kaniya kasi kung saan-saan siya nakakarating
—laging namang nag-uuwi ng pagkain at gamit; "yung pasalubong nasa kotse, mamaya niyo na kunin."
TAKEDA
—yung tito niyong nagagalit kasi batugan kayong lahat
—mahilig magdilig ng halaman habang nagpapatugtog ng 90's jam sa bluetooth speakers
—lagi ring nasa tapat ng tv para manuod ng balita kahit pagod na siyang malaman ang mga bagong katangahan ng gobyerno
-end of thread-
sana napangiti ko kayo :)
You can follow @sarxerya.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled: